top of page
Search
BULGAR

Ibigay na ASAP ang benepisyo at Hazard Pay ng mga healthcare workers

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | August 25, 2021



May nasisilip na tayong pag-asa para mabayaran ang delayed na Special Risk Allowance at Hazard Pay ng ating mga healthcare workers.


Nagtulung-tulong na tayo, at ang mga kapwa natin mambabatas na busisiin ang mga delayed na healthcare benefits at hazard pay. Maging ang ehekutibo mega-push na para magawan ng paraan na mabayaran na sila, ‘di ba?!


Eh, sana naman ay maibigay na ASAP ang matagal na nilang hinihintay na SRA at hazard pay mula sa Department of Health. Bakit puwede naman palang maasikaso agad, eh, pinatagal at hinintay pa ang mga banta ng healthcare workers na mass resignation at pagbusisi sa mga benepisyong obligasyon nating ibigay sa mga medical frontliners? Okay fine, naiintidihan natin na hindi maiiwasang magkaroon ng iba’t ibang dahilan ng pagka-delay ng mga benepisyong dapat makuha ng healthcare workers na buwis-buhay sa pagseserbisyo sa kapwa Pilipinong tinatamaan ng napakadelikadong COVID-19.


Pero plis naman, dapat talagang tutukan at agad resolbahan para agad silang mabayaran.


Reminder, kung walang pera ang healthcare workers na pantustos sa kanilang pamilya at ang inaasahang pandagdag-gastos na allowance at benepisyo, magiging hati ang kanilang atensiyon at hindi makapopokus sa pagbibigay-serbisyo sa mga may sakit nating kababayan, ‘di ba?


Sa ganang atin, kung kulang sa DOH ng mga taong tututok ay pagtulungan na. Kung kailangan ng urgent bill at resolution, idulog ng ahensiya sa Senado at Kongreso ay ‘wag nang magpatumpik-tumpik pa para maka-aksiyon din agad ang mga kapwa natin senador at kongresista. Agree?


Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, IMEEsolusyon sa hinihinging benepisyo, eh, kahit contingency fund nga niya ay iniaalok na para mabayaran agad ang mga medical frontliners. Thank you!


IMEEsolusyon sa bawat problema ngayong panahon ng pandemya, tulung-tulong tayong lahat at kailangang mabilis ang kilos, dahil bawat oras may nalalagas na buhay dahil sa virus. Kung may mga nasisita sa pagkaantala, hindi ito personalan, talagang trabaho lang!

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page