ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | September 03, 2021
Sa ikatlong pagkakataon, dismayado tayo sa pangakong napako ng Department of Health. Hindi pa rin naibigay ang Special Risk Allowance ng mga health workers at hazard pay na ipinangako nilang ipamamahagi sa lalong madaling panahon.
Aba, mahigit lang sa 20, 000 ang uunahing bigyan ng SRA, pero reklamo to the max pa rin ang ating mga kababayang health workers dahil hindi pa rin tumupad ang DOH sa itinakda nitong petsa. ‘Ika nga nila, marami pa rin ang hindi nakatatanggap, lalo na ang mga nasa LGUs.
Kaya naman, natuloy ang protesta ng mga health workers nationwide! Eh, kung hindi magmamadali ang DOH na gawan ng paraan ang hazard pay at SRA na binigyan naman ng bilyones na budget at matagal na nilang hinihingi, nagbanta silang magpapatuloy ang kanilang kaliwa’t kanang protesta.
Reminder natin sa DOH, nakakapangambang totoo kapag hindi maibibigay agad ang kanilang hirit na mga benepisyo, lalo na kung itutuloy nila ang bantang mass resignations! Juicekolord, ano na ang mangyayari sa mga COVID-19 patients? Biruin ninyong sumampa na sa mahigit dalawang milyon ang mga Pinoy na na-COVID!
Ano ba talaga ang dahilan na hindi mabayaran ang health workers? Saan na ang pondong inilaan sa inyo, DOH? Hihintayin n’yo pa bang tuluyan silang magsipag-resign nang sabay-sabay?
Plis lang, isama rin sa bibigyan ng mga hazard pay ‘yung mga janitress, guards ng ospital at iba pang hospital staff dahil lantad din sila sa virus, ha?
IMEEsolusyon sa problemang ito, unang-una ay ‘wag mangangako ng petsa ang DOH na hindi kayang panindigan. Never maging paasa sa mga frontliners na buwis-buhay ang pagseserbisyo sa mga pasyenteng na-COVID.
Ikalawa, IMEEsolusyon na gawin nang puspusan ang pagbibigay-prayoridad sa mga isyu ng mga benepisyo. Hingin na ang tulong ng iba pang ahensiya ng gobyerno na may kinalaman dito, tulad ng Department of Budget and Management, dahil baka may mahugutan pa ng pera.
IMEEsolusyon din na i-push lang ng husto sa mga kasamahan nating mambabatas ang need na suporta para sa dagdag-pondo, ngayong pinag-uusapan ang National Budget para sa susunod na taon. Pagtulung-tulungan na nating malutas ito, plis lang. Patotohanin ang awa sa pagbigay ng SRA at hazard pay ng ating mga healthcare workers, now na!
Commenti