ni Ambet Nabus @Let's See | March 25, 2024
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_938e93d80bdf4987a805ddfd1e5d230b~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_938e93d80bdf4987a805ddfd1e5d230b~mv2.jpg)
Napanood namin ang Dearly Beloved, latest movie nina Cristine Reyes at Baron Geisler under Viva Films.
Maganda ang premise ng movie dahil isa itong woman's movie at nagpapakita ng kuwento ng isang "kabit" (Cristine) na naghahangad maging legal ang pagkatao sa lipunan.
Magaling si Cristine bilang band singer na na-in love kay Baron na nakipaghiwalay (na-fall out of love) sa asawa, pero responsableng ama sa mga anak (both sa una at kay Cristine na may anak din sa unang asawa).
Medyo nanibago kami sa ipinakitang acting ni Baron dahil sobrang "cold" ang atake niya na parang walang impact, to the point na parang wala siyang pakialam kaya medyo hindi kami maka-relate sa role niya.
Ito yata 'yung movie na nabanggit niya sa panayam ni Mama Ogie Diaz kung saan inamin niyang totoong may nauna siyang anak sa isang aktres na 18-years old na yata ngayon.
But anyway, worth to watch pa rin ang Dearly Beloved lalo't bago ang atake ng direktor nitong si Marla Ancheta.
Comments