top of page
Search
  • BULGAR

Ibang-iba na sa dating labs mo, Enrique… LIZA, TODO-PA-IMPRESS DAW KAYA INGLESERA NA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Sep. 23, 2024



Showbiz News

Marami sa mga nakapanood kay Liza Soberano sa kanyang interbyu sa isang TV show sa USA ang nakapansin na ibang-iba na ang kanyang accent.


Inglesera siya, pero makapal ang accent at malayo na sa dating Liza Soberano na ka-love team ni Enrique Gil. 


Tipong nagpapa-impress daw siya sa mga taong nami-meet niya ngayon. Hindi na nababakas ang dating Liza na alaga ni Ogie Diaz. 


Anyway, sa nasabing interbyu ni Liza, nabanggit niya na ang ultimate dream niya ay ang mapagsama-sama ang kanyang mga kapatid sa isang bahay lamang. Bale sampu ang kanyang mga kapatid sa dalawang magkaibang pamilya. 


Pero, nalaman ni Liza na dalawa sa kanyang mga kapatid ay may sarili nang pamilya, kaya mahirap nang pagsama-samahin silang lahat sa isang bahay.

Sa ngayon, may bagong inspirasyon daw si Liza Soberano na tumutulong sa kanyang career.


 

SB19 member, wa’ pa ‘K’....

STELL, TRYING HARD DAW MAGING JUDGE SA THE VOICE KIDS


Coach Stell - The Voice Kids Philippines - GMA

DAHIL sikat na sikat na ang SB19, ginagawan na ng iba’t ibang isyu sina Stell at Pablo.

Si Stell, inakusahan ng retoke at maraming ipinagawa sa kanyang mukha, kaya ang laki ng ipinagbago ng hitsura. Pero dedma lang si Stell at hindi pinapatulan ang mga bashers. Ang mahalaga ay maraming pinasasaya ang SB19 at kaya nilang makipagsabayan sa mga foreign artists.


Si Pablo naman, marami ang nakukulangan sa kanyang kakayahang mag-perform at hindi pa raw ito kuwalipikado na maging mentor sa The Voice Kids (TVK). 


Well, mabuti na lang at sanay na si Pablo sa mga bashers. Sa halip na magpaapekto, lalo lang niyang ginagalingan ang kanyang performance sa mga shows na kanilang tinatanggap. 


At sa SB19, hindi uso ang kompetisyon, kahit na sina Stell at Pablo ang tumatayong poste ng grupo.


 

KAHAPON, Setyembre 22, ay yumao ang tatay ni Billy Crawford na si Jack Crawford na naka-base sa Texas, USA. Hindi nagawang makasama, makausap at mayakap ni Billy ang kanyang ama bago ito pumanaw. 


May komento si Billy sa programang The Voice Kids (TVK) at bilang host, hindi siya basta makakaalis. 


Bumuhos ang maraming mensahe ng pakikiramay mula sa mga celebrities tulad nina Ogie Alcasid, Jessy Mendiola, Ryan Bang, Edgar Allan Guzman (EA), Geneva Cruz, KC Montero, atbp..


Masakit ang mawalan ng isang ama, pero sabi nga sa showbiz, “The show must go on.” 

Naging propesyonal si Billy sa kanyang trabaho bilang host ng TVK, alam niyang maiintindihan ng yumaong ama kung hindi man siya madalas na nakakasama nito. 


Si Jack Crawford ang naging mentor ni Billy noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang showbiz career. At least, nakita pa rin ng kanyang ama ang anak nila ni Coleen Garcia na si Baby Amari.


 

Sey mo, Chloe?

PAMILYA NI CARLOS, INUULAN NG AYUDA


PATULOY ang pagbuhos ng biyaya sa pamilya Yulo, lalo na kay Nanay Angelica. Kamakailan, ginawaran siya ng pagkilala bilang Ulirang Ina. Kinuha rin siyang endorser/ambassador ng isang wellness center at isang dental clinic. 


Malakas din ang benta sa live selling ni Nanay Angelica at ng paninda niyang garlic longganisa. May nagpadala rin sa kanila ng saku-sakong bigas na ipinamigay naman nila sa kanilang mga kapitbahay na kapwa hirap din sa buhay.


Dahil sa pagkakawanggawa ng mga Yulo, maraming humanga sa kabutihang loob ng mga magulang ni Carlos. Kaya naman maging ang ilang pribadong kumpanya ay nagbigay sa kanila ng ayuda at regalo, pati iba’t ibang appliances at gadgets. 


Labis itong pinasalamatan ng mag-asawang Angelica at Mark Yulo, at pinasalamatan din nila ang mga taong nakisimpatya at tumulong sa kanilang pamilya.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page