top of page
Search
BULGAR

Ibang-iba na… AGA, MATINEE IDOL NOON, BAD BOY NGAYON

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 27, 2024



Photo: Aga Muhlach sa Uninvited - Instagram


Matapos mapanood ng ilang entertainment media ang pelikulang Uninvited, nagkaisa ang lahat sa pagsasabing malakas ang laban ni Aga Muhlach upang maging Best Actor. Kakaiba ang role na ngayon lang niya ginawa, ang gumanap bilang bad boy na puno ng katiwalian. 


Siguradong maging ang kanyang mga loyal fans ay magugulat o masa-shock sa karakter ni Aga bilang si Guilly Vega.  


Hindi na siya ang dating matinee idol na hinangaan ng marami. Malaking challenge para kay Aga ang kanyang role sa Uninvited, lalo na’t marami siyang matitinding eksena kay Vilma Santos.


Malaki rin ang chance ng Star for All Seasons na tanghaling Best Actress dahil sa kakaiba niyang character na ngayon lang mapapanood ng lahat.  


Maging si Nadine Lustre ay lutang din ang role sa Uninvited at hindi siya natabunan ni Vilma sa kanilang mga eksena.


Sey nga ni Ate Vi, sa edad niyang 71 years old, naghanap siya ng kakaibang role na hahamon sa kanyang kakayahan bilang aktres. Kaya agad niyang nagustuhan ang Uninvited nang ialok sa kanya.  


Si Dan Villegas ang direktor ng movie at produced ng Mentorque Productions. Ngayon pa lang, ang Uninvited ang hinuhulaang magiging top grosser sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.  


 

Idinaan sa DSWD… SEN. ROBIN, NAMIGAY NG PAMASKO SA MGA MOVIE WORKERS




Maraming pinasayang maliliit na movie workers si Sen. Robin Padilla dahil sa kanyang inirekomendang pamasko galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). 


Dahil dama ni Sen. Robin ang kalagayan ng mga manggagawa sa showbiz, lalo na iyong per day o per project lang ang inaasahan, nakiusap siya sa DSWD na bigyan ng konting pamasko ang mga small workers.  


Malaking tulong na ito upang kahit papaano ay may magastos sila sa panahon ng holiday season, kaya naman labis na ipinagpapasalamat ng maliliit na manggagawa kay Sen. Robin. Siya ang tunay na bayani ng mga mahihirap na manggagawa sa showbiz.  


 

ESPESYAL ang selebrasyon ng 50th Metro Manila Film Festival sa gaganaping Gabi ng Parangal sa Solaire Hotel (Parañaque) sa araw na ito. Kumpirmadong dadalo sa nasabing event si dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada, kaya pinaghahandaan ang nasabing golden anniversary ng Metro Manila Film Festival (MMFF).  


Tiyak din na dadalo ang malalaking artista na bida sa mga pelikulang kalahok sa MMFF 2024. 


Taun-taon ay pinaghahandaan ng MMFF committee ang pagpili sa magagandang pelikula na kasali sa filmfest. Lahat ay nag-aabang kung sinu-sino ang mga winners sa mga major categories.  


Sa taong ito, may entry sa filmfest sina Vilma Santos, Aga Muhlach, Vic Sotto, Piolo Pascual, Vice Ganda, Eugene Domingo, Lorna Tolentino, Judy Ann Santos, Dennis Trillo, Ruru Madrid, Arjo Atayde, Julia Montes, Aicelle Santos, atbp..  


 

MARAMI kaming nami-miss na showbiz celebrities kapag sumasapit ang Pasko. Sila iyong mga artistang milyon ang kinikita, and yet, hindi man lang magparamdam sa media friends. Hindi man lang makaisip na mag-share ng blessings.


Hindi naman kailangan na mahal ang gifts na ipamimigay. Ito rin ang paraan upang makipag-bonding sila sa entertainment press. Kaya naman hanggang ngayon, hindi makakalimutan ng media si Kuya Germs Moreno (SLN) na December 1 pa lang ay may pa-Christmas party na sa press people at bongga ang mga appliances na pa-raffle.


Si FPJ, hindi rin nakakalimot sa mga maliliit na manggagawa sa pelikula na nakasama niya sa Christmas party sa FPJ Studios. 


Naalala rin namin noong sumisikat na si Dingdong Dantes, nagpa-Christmas party siya sa press at bumaha ng maraming appliances sa raffle.  


Ngayon ay inaabangan ng lahat kung may Christmas party para sa media sina Gretchen Barretto, Sharon Cuneta, Bea Alonzo, Willie Revillame, Vice Ganda, Manny Pacquiao, Piolo Pascual, Anne Curtis, atbp..

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page