top of page
Search
BULGAR

LPA magdudulot ng pag-ulan sa Kalayaan Islands

ni Jasmin Joy Evangelista | March 30, 2022



Inaasahang magdudulot ng pag-ulan sa Kalayaan Islands ngayong Miyerkules ang low-pressure area o LPA sa kanluran-hilagang kanluran ng Puerto Princesa City ayon sa latest forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).


Gayunman, patuloy namang makararanas ng mainit na panahon ang mga natitirang bahagi ng bansa.


“Sa Kalayaan Islands, asahan pa rin ang mga kalat-kalat na pag-ulan dulot ng LPA,” ani Pagasa weather specialist Samuel Duran.


Ayon pa sa state weather service, namataan ang LPA 235 kilometro kanluran-hilagang kanluran ng Puerto Princesa o 295 kilometro silangan ng Pagasa Island.

Inaasahang lalabas ang LPA sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na 24 oras.


“Samantalang ang nalalabing bahagi ng Luzon ay makakaranas pa rin ng maalinsangang panahon na may mga tiyansa ng thunderstorms pagdating ng hapon at gabi,” ani Duran.


Ang mga parte naman ng Visayas at Mindanao ay makararanas ng mainit na panahon, ayon sa Pagasa, bagama’t posible ring makaranas ng panaka-nakang pag-ulan sa tanghali o gabi, dala ng epekto ng easterlies.


Naglabas din ang Pagasa ng temperature sa mga sumusunod na lugar:


• Metro Manila: 25 to 34 degrees Celsius

• Baguio City: 17 to 25 degrees Celsius

• Laoag City: 25 to 33 degrees Celsius

• Tuguegarao: 23 to 34 degrees Celsius

• Legazpi City: 25 to 32 degrees Celsius

• Puerto Princesa City: 25 to 31 degrees Celsius

• Tagaytay: 23 to 30 degrees Celsius

• Kalayaan Islands: 25 to 30 degrees Celsius

• Iloilo City: 26 to 32 degrees Celsius

• Cebu: 24 to 32 degrees Celsius

• Tacloban City: 26 to 32 degrees Celsius

• Cagayan De Oro City: 24 to 30 degrees Celsius

• Zamboanga City: 25 to 33 degrees Celsius

• Davao City: 25 to 34 degrees Celsius


Wala namang itinaas na gale warning sa lahat ng seaboards sa bansa, ayon sa bulletin ng Pagasa as of 4 p.m. nitong Martes.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page