top of page
Search
BULGAR

Ibalik ang orihinal na sistema ng ‘kadiwa’, sagot sa global food crisis!

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | May 5, 2022


Nakakapangamba ang kakaharapin nating krisis sa pagkain sa buong mundo. Dahil nga ito sa ‘di pa rin natatapos na dagok ng pandemya, krisis sa langis, at nagpapatuloy na giyera ng Ukraine at Russia.


At sa harap n’yan eh kailangan tayong mga Pinoy, gumawa agad ng mga hakbang para maprotektahan ang ating sapat na supply ng pagkain. Dapat ‘di tayo kampante at maging maagap.


Kung tutuusin, dapat ngayon pa lang maikasa na natin at maisaayos ang mahinang sistema ng distribusyon ng mga “sariling ating mga produktong pang-agrikultura” para maasahan ang ating suplay ng pagkain, di bah?


Hindi kasi tayo dapat umaasa nang umaasa sa mga imported na supply ng bigas, asukal, gulay at prutas, isda, karne ng baboy, baka, at manok. Kailangan paunti-unti eh mailalatag na natin ang mga sariling produktong mga Pinoy at gawing matatag ang industriya ng pagsasaka sa ating bansa.


IMEEsolusyon para sa nakaambang krisis sa pagkain, dapat maging epektibo ang sistema ng distribusyon ng lokal na ani bago umangkat ng mga imported, di bah!

Ngayon ang tamang panahon para magmenor-menor tayo sa mga imported na mga produkto at piliin lang ang mga siguradong kapos tayo sa food supply bago umangkat. Madami tayong sariling agri-products na itinatapon na lang, at masaklap nabubulok na lang dahil sa hindi mabenta.


IMEEsolusyon nga d’yan eh, ibalik natin nang buo ang orihinal na sistema ng Kadiwa, kung saan noong dekada ‘70 direktang bumibili ang ating gobyerno sa mga magsasaka at nagbebenta ang mga ito na walang ganansya, o di bah? Para kikita na ang mga magsasaka, ‘di mabubulok ang kanilang mga produkto, murang-mura pang mabibili ng publiko!


IMEEsolusyon din para sa legasiya ng mga matatanda na nating mga magsasaka, harinawa eh ang susunod na administrasyon, tulungan at pondohan ang mga programa para sa ating mga kabataang mga magsasaka o ‘yung programang Young Farmers Challenge na inihain kong Senate Bill 884 noong unang salta ko pa lang sa Senado noong 2019.


Abah, its about time na kumuha na tayo ng mga batang mga magsasaka na hitik sa bagong mga ideya sa harap ng namamatay nang bokasyon ng pagsasaka. Kaya ‘wag na tayong magpatumpik-tumpik pa, gawin na natin ‘yan. Now na!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page