top of page
Search
BULGAR

Iba’t ibang sanhi ng pagdurugo ng ilong, alamin!

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | July 27, 2020



Dear Doc. Shane,


Nag-aalala ako sa aking 7 years old na anak. Nagdurugo ang kanyang ilong kapag sobrang init ng panahon. Normal lang ba ‘yun? Ano ang dapat gawin? – Aida


Sagot


Ang pagdurugo ng ilong o nose bleeding ay karaniwang kondisyon na maaaring mararanasan ng sinuman. Ito ay maaaring nagmumula sa harapang bahagi ng ilong o kaya naman ay sa loob at mas malalim na bahagi ng ilong kung saan maraming ugat ng dugo.


Kapag ang mga ugat na ito ay nasugat, nasundot o natusok, nagsisimula ang pagdurugo. Bagaman ito ay nakakagulat at minsan ay nakakatakot, ito ay kadalasang hindi naman seryoso o malala. Ito ay madali namang mapigil sa pamamagitan ng mga simpleng hakbang na puwedeng gawin kahit nasa bahay lang.


Ano ang sanhi ng pagdurugo ng ilong?


Ang pinakamadalas na dahilan ng pagdurugo ng ilong ay ang pagtama ng harapang bahagi ng ilong sa anumang matigas na bagay. Halimbawa ay nauntog ang ilong sa pader o nahampas o nasuntok sa ilong.


Ang pagdurugo ay maaari ring dahil sa pagkakasundot o pagkakatusok ng anumang matalim na bagay, tulad ng kuko ng daliri, sa loob na bahagi ng ilong. Ang pagkakaroon ng sipon at madalas na pagsinga ay maaari ring makairita sa ilong at magdulot ng pagdurugo. Ang pabagu-bagong klima ay maaari ring makaapekto sa mga ugat ng dugo na nasa loob ng ilong at maging sanhi ng pagputok at paglabas ng dugo sa ilong.


Makatutulong ang pagpapaupo sa anak ninyo ng tuwid at pagkatapos ay pisilin ng hinlalaki at hintuturo ang ilong ng mga lima hanggang 10 minuto habang humihinga sa kanyang bibig at kung huminto na ang pagdurugo, iwasan munang suminga o kalikutin ang loob ng ilong ng daliri.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page