top of page
Search
BULGAR

Iba’t ibang salik na nagdudulot ng diabetes

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | August 10, 2020




Dear Doc. Shane


Ako ay 52 years old at sabi nila, kapag mataba raw ang tao o malaki ang sukat ng baywang ay malaki ang posibilidad na magkaroon ng diabetes. Gaano ba ito katotoo? – George


Sagot


May mga taong malaki ang mga baywang dahil sa tabang nakadeposito rito — ang abdominal fat. Mas nanganganib magkaroon ng diabetes kung may abdominal obesity o labis na abdominal fat. Masasabing may abdominal obesity ang mga lalaki kung ang kanilang waist line ay 90 cm o higit pa at sa mga babae naman ay 80 cm o higit pa.


Narito ang ilang risk na maaring magka-diabetes ang tao:

  • Kung may kamag-anak o miyembro ng pamilya na may diabetes.

  • Wala o kulang sa ehersisyo.

  • Tumataas ang risk na magkaroon ng diabetes habang tumatanda. Magpatingin sa doktor kapag umabot ng edad 40 pataas.

  • Mas mataas ang tsansa na magka-diabetes kapag overweight.

  • Gestational diabetes. Ito ay diabetes na natuklasan habang buntis. Karaniwan itong nawawala pagkatapos manganak. Upang malaman kung ito’y nawala na, dapat magpa-check ng oral glucose tolerance test (OGTT) anim hanggang walong linggo pagkatapos manganak.

  • Prediabetes. Ito ang kondisyon kung saan ang asukal sa dugo ay mas mataas sa normal pero kulang sa taas para tawaging diabetes na. Samantala, sa fasting blood sugar, ito ay kung ang resulta ay nasa 100-125 mg/dL (5.6-5.9 mmol/L) o sa oral glucose tolerance test 2-hours result naman ay nasa 140-199 mg/dL (7.8-11.0 mmol/L). Karaniwang pinapayuhan ang mga may prediabetes na mag-diet at mag-ehersisyo upang bumaba ang asukal sa dugo. Minsan ay pinaiiinom na sila ng gamot dahil posible itong mauwi sa diabetes.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page