top of page
Search
BULGAR

Iba’t ibang pakulo ng mga kandidato, ratsada na

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | October 22, 2023


Nagsimula na noong Huwebes, Oktubre 19 ang campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Ayon sa Comelec, inaasahang aabot sa 1,414,487 ang mga kandidato sa darating na BSKE.


Kabilang dito ang 96,962 kandidato sa pagka-barangay captain; 731,682 para sa Sangguniang Barangay; 92,774 sa Sangguniang Kabataan chairman at 493,069 naman para sa SK council.


Tatagal ng 10-araw o hanggang sa Oktubre 28 ang panahon ng kampanya.


Tandaan, bawal mangampanya ang mga kandidato sa Oktubre 29, na bisperas ng eleksyon hanggang sa Oktubre 30, na mismong araw ng halalan.


☻☻☻


Nauna nang nagpahayag ang COMELEC na mahigpit nilang ipapatupad ang mga panuntunan lalo sa campaign expenditures kaya kailangang magsumite ng mga kandidato ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) matapos ang eleksyon.


Ayon sa COMELEC, pinapayagan lamang na gumastos ng P5 kada rehistradong botante ang bawat kandidato.


Bawal din ang pamamahagi ng mga t-shirt, baller, cap at iba pang bagay na may halaga.


Sa mga supporters naman ng mga kandidato, huwag na ring magsuot ng t-shirt na may larawan ng kanilang kandidato at baka iyan pa ang maging dahilan ng kanilang diskuwalipikasyon sa halalan.


Lahat sana ng mga kandidato ay patuloy na sundin ang mga batas at alituntunin ng COMELEC sa pangangampanya.


Nawa’y makiisa tayo upang matiyak ang isang maayos, ligtas, at mapayapang eleksyon.


☻☻☻


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask ‘pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page