top of page
Search

Iba’t ibang klase ng kapitbahay na nakilala natin habang naka-lockdown

BULGAR

ni Jersy Sanchez - @Life and Style| July 13, 2020




Ngayong lockdown, bawal lumabas ng bahay at wala tayong ibang ginawa kundi magpaikut-ikot sa bahay at sumilip sa bintana para makakita ng mga ganap sa labas, kaya naman ‘di natin maiwasan na makilala ang ating mga kapitbahay.


Anu-ano nga ba ang klase ng mga kapitbahay na mayroon tayo?

1. CHUCKY. Sa iba pang salita, backstabber, ganern! Tipong super-bait kapag kausap o kaharap mo, pero ‘pag nakatalikod ka na at iba ang kaharap niya, alam na! Mga besh, ingat sa mala-Chucky n’yong kapitbahay dahil baka akala mo, kaibigan at mapagkakatiwalaan, pero fake pala.

2. MOSANG (CHISMOSA). Sila ‘yung mga kapitbahay na mas alam pa ang life story mo kaysa sa ‘yo. Minsan, pati mga chismis sa kabilang barangay, alam din nila. Halimbawa, kapag may kasama kang kaibigan, iisipin nila na dyowa mo ‘yun. Minsan din, kapag nakita kang nag-uwi ng mga pinamili mo, gagawan pa ng isyu. Ganyan sila katindi, mga bes!

3. DEADMA. As in, deadma sa inyo. ‘Yung tipong kahit dis-oras ng gabi o tanghaling-tapat, ‘di magpapaawat mag-karaoke. Wa’ pakels sila kung gusto mong magpahinga o matulog hangga’t nag-e-enjoy sila. Sila rin ‘yung mga tipo ng kapitbahay na halos lahat ng puwedeng i-celebrate, ise-celebrate para may dahilan sila para mag-ingay.

4. FRIENDLY. Ito ang paborito nating kapitbahay dahil minsan, free for all ang kanilang WiFi. Gayundin, hindi sila nakakalimot mamigay ng pagkain kapag may okasyon at minsan nga, may pa-ulam pa. Bongga! Madalas, sila rin ‘yung takbuhan natin ‘pag may problema tayo at sa sobrang friendly niya at palaging ready mag-advice sa atin, nakakalimutan nating may sarili rin siyang mga problema.

Ano’ng klase ng kapitbahay ka? May naaalala ka ba sa kanila? Ha-ha-ha! Kidding aside, sa panahon ng pandemya, maging mabuti tayo sa isa’t isa— sa pamilya, kaibigan o maging sa mga kapitbahay. Iba’t iba man tayo ng ugali, siguradong maaasahan n’yo ang isa’t isa sa oras ng pangangailangan. Gets mo?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page