ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | November 7, 2020
Salaminin natin ang panaginip ni Kim na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Nakita ko ang aking sarili na lumulutang sa hangin sa tapat ng katawan ko na nakahiga. Natakot ako at sa takot ko, bumagsak ‘yung nakalutang kong katawan. Bigla akong nagising at hindi na ako nakatulog hanggang umaga na.
Sa ngayon, iniisip ko pa rin ang panaginnip ko, ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Kim
Sa iyo, Kim,
Ang tawag sa nakalutang ang sarili habang natutulog ay levitation, pero hindi ito ang nakalutang ang sarili sa panaginip. Dahil sa panaginip, ang nakalutang na sarili ay maaaring pasimula pa lang ng paghihiwalay ng katawang pisikal at katawang hindi pisikal, na madalas maranasan ng mga sumusunod:
Nagkakahiwalay ang katawang pisikal at katawang hindi pisikal kapag ang isang tao ay may mabibigat na problema sa buhay.
Nararanasan din ito ng mga may sakit na tumaas nang todo ang temperatura ng katawan.
Ganundin ng mga taong may sakit na hindi na nila kayang dalhin ang kanyang karamdaman.
Hindi rin maiiwasan ng mga taong sobrang palaisip ang matulog at sa kanyang pagtulog, hihiwalay ang isa niyang sarili.
Nangyayari rin ito sa mga taong walang kalayaan. Sila na inaalipin ng mahal nila sa buhay, na ayaw bigyan ng kalayaan, hindi pinalalabas ng bahay at masasabing nakakulong lang.
Puwedeng-puwede rin itong maranasan ng mga taong labis na nag-aalala sa mahal nila na nasa malayong lugar.
May pagkakataon na ang taong mahilig sa karunungang lihim na may kaugnayan sa the third eye ay maranasan din ang ganito.
Wala namang masama sa iyong panaginip. Ang totoo, nangyayari rin ito sa lahat, pero kapag madalas mong maranasan ang ganito, ibig sabihin, ikaw ay mapabibilang sa mga taong kung tawagin ay “mystics” o may espesyal na kakayahang magawa ang hindi nagagawa ng mga pangkaraniwan.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo
Comments