top of page
Search

Iba’t ibang kahulugan ng ahas sa panaginip

BULGAR

ni Estrellia de Luna - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | March 12, 2021



Analisahin natin ang panginip ni David ng Dubai.


Dear Maestra,


Nanaginip ako ng ahas na para bang ako ay tutuklawin, subalit buong tapang ko siyang hinambalos at pinaghahampas ko ito ng kahoy hanggang tuluyan ko siyang mapatay.


Sa ngayon, ako ay nagtatrabaho sa abroad, habang ang misis ko naman ay nasa Pilipinas. Ano ang kahulugan ng aking panaginip?


Naghihintay,

David


Sa iyo, David,


Ang ibig sabihin ng ahas sa panaginip mo ay lihim na kaaway o karibal sa iyong minamahal. Ang sabi mo, napatay mo ang ahas sa iyong panaginip at ito ay nangangahulugan na may kakayahan kang matalo ang kaaway o karibal mo sa pagmamahal ng iyong misis, gayundin ang mga lihim mong kaaway na naninira sa iyo nang talikuran. Kumbaga, ‘pag kaharap ka ay mabait at ‘pag talikod mo ay todo ang paninira sa iyo.


Lapitin ng tukso ang asawa mo na narito sa Pilipinas habang ikaw naman ay nar’yan sa Dubai, subalit mahal ka niya at tapat siya sa iyo. Dahil d’yan, miss na miss mo na siya at naaalala mo ang mga sandaling magkapiling kayo at masayang nag-uulayaw. Sabik na sabik ka na na siya’y makaniig.


Samantala, ang isa pang kahulugan ng ahas sa panaginip mo ay sexual desire o pananabik sa pakikipagtalik.


Mag-ingat ka sa mga tukso sa iyong paligid. Gayundin, umiwas ka hangga’t kaya mong iwasan. Piliin mo rin ang mga kaibigan na iyong pagkakatiwalaan dahil may lihim na naiinggit sa iyo at siya ay mabait ‘pag kaharap, subalit ‘pag talikod mo ay sinisiraan ka.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

0 comments

Recent Posts

See All

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page