top of page
Search
BULGAR

Iba’t ibang dahilan para makipag-break sa dyowa

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| March 7, 2022




‘Pag sobrang labs n’yong mag-dyowa ang isa’t isa, ‘di ba, parang ang hirap isipin na maghihiwalay din kayo?


Pero mga besh, sa totoo lang, marami pa ring long-term relationships na nauuwi sa hiwalayan kahit gaano pa nila naipakitang mahal na mahal nila ang isa’t isa.


Awww!


Well, napakahirap talagang i-let go ng taong mahal mo, lalo pa’t naging parte na siya ng buhay mo, pero may mga valid reasons para tapusin na ang relasyon. At kahit pa punumpuno ng pagmamahal ang inyong pagsasama, ‘di ito sapat para ma-sustain ang healthy at happy partnership sa mahabang panahon.


Anu-ano nga ba ang mga rason para tapusin ang isang relasyon?


1. ‘DI SIYA HONEST SA ‘YO. Tila normal na para sa atin ang magsabi ng ‘white lies’, pero ‘pag napansin mong naging habit na ng iyong partner ang pagsisinungaling or worse, mas malalaki at seryosong pagsisinungaling ang ginagawa niya, valid reason ito para tapusin na ang inyong relasyon.


2. ‘DI KASUNDO SA PINANSIYAL NA ASPETO. Isa ang pera sa mga karaniwang isyu para sa mga magkarelasyon. Ayon sa mga eksperto, ang isang tao na mas gumagastos sa luho kaysa sa necessities ay senyales na siya ay hindi magkaroon ng financial stability. Bagama’t hindi lahat ng mag-partner ay gusto ng ‘combined finances’, pero kung gusto mo itong gawin kasama ang iyong partner, kailangang nasa ‘same page’ kayo pagdating sa financial goals. Kumbaga, pareho kayo ng gusto at paniniwala pagdating sa paghawak ng pera.


3. WALA KANG TIWALA SA KANYA. Alam nating lahat na ang tiwala ay mahalagang parte ng relasyon at ‘pag nasira ito ng partner mo, lalo na kung maraming beses na, posibleng senyales ito na pag-isipan mong mabuti kung itutuloy pa ba o hindi ang iyong relasyon.


4. MAGKAIBA KAYO NG GOALS. Ang hirap ‘pag umabot sa puntong mahal na mahal mo ang partner mo, pero hindi pala kayo pareho ng pinaplanong future. Pero bes, ‘pag malinaw sa ‘yo kung ano ang gusto mo, hindi ka dapat mag-settle sa taong ibang-iba ang goals sa mga bagay na gusto mong ma-achieve.


5. ‘DI KAYO NAGKAKAINTINDIHAN. Tulad ng tiwala, ang healthy communication ay mahalagang sangkap ng magandang relasyon, pero ‘pag ipinapakita ng partner mo na hindi siya willing makipag-communicate at ‘di niya ito kayang baguhin, valid reason ito ng paghihiwalay.


6. FEELING MO, DAPAT KANG MAGPOKUS SA IYONG SARILI. Kahit pa gaano ka-perfect ang inyong relasyon, mayroong posibilidad na kailangan mo ng panahon para mag-grow on your own sa halip na magpokus sa inyong relasyon. At bes, ‘di ka dapat ma-guilty, lalo na kung sa tingin mo ay ito ang makabubuti sa ‘yo.


‘Pag ‘di ka na masaya sa relasyon, ‘di mo na kailangan ng iba pang rason para mag-initiate ng breakup. Tandaan, dapat mong gawin ang bagay na sa tingin mo ay makatutulong para mas sumaya ka pa.


Gets nating mahirap talagang makipag-break, pero kung alam mong hindi na talaga magwo-work ang inyong relasyon, kakapit ka pa ba?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page