ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | December 4, 2020
Dear Doc. Shane,
Ako ay edad 63, diabetic at normal naman ang blood sugar ko kaya nagtataka ako kung saan o ano ang sanhi ng aking pagkahilo. Last week, nakaramdam ako ng pagkahilo sa aking paggising at umabot ng tatlong araw. Ayoko magpunta sa ospital dahil natatakot ako sa COVID-19. – Minerva
Sagot
Ang pagkahilo ay hindi magandang pakiramdam kung saan hindi mo mabalanse ang sarili mong katawan at tila umiikot ang iyong paningin. Ang malubhang pagkahilo ay kadalasang nagreresulta sa pagkahimatay. Ito rin ay posibleng sintomas ng ibang karamdaman.
Sanhi ng pagkahilo:
Migraine (pabalik-balik na sakit ng ulo)
Kakulangan sa Vitamin B
Gamot na may posibleng side-effects ng pagkahilo
Vertigo
Meniere’s Disease
Labyrinthitis
Stress o anxiety
Low blood sugar level (hypoglycemia)
Dehydration (kakulangan sa tubig)
Heat exhaustion (epekto ng sobrang init)
Postural Hypertension (biglaang pagbaba ng blood pressure kapag umupo o tumayo)
Vertebrobasilar insufficiency
Anong dapat gawin kapag nahihilo?
☑ Alamin ang mga nagpapa-stress at iwasan ang mga ito.
☑ Kung ikaw ay may panic attack, huminga nang malalim at piliting kumalma.
☑ Huwag magmadali sa pagtayo o pag-upo para hindi mabigla ang katawan.
☑ Limitahan ang paggamit ng gadgets tulad ng cellphone o laptop. Ipahinga ang mga mata pagkatapos gumamit ng mga ito.
☑ Hangga’t maaari, magkaroon ng healthy lifestyle.
☑ Kumain ng regular at iwasang ma-dehydrate. Makabubuti ang pag-inom ng walong baso ng tubig sa loob ng isang araw.
Comentários