ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | November 3, 2020
Dear Doc. Shane,
Limang taon na kaming kasal ng aking mister pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming anak. Alam ko na wala akong problema dahil may anak ako sa pagkadalaga. Maaari ba ninyong talakayin ang ng pagkabaog ng lalaki? – Irma
Sagot
Ang sanhi ng pagkabaog ng lalaki ay nag-uugat sa hindi pagkakaroon ng malusog na sperm na importante sa fertilization process para makabuo ng baby.
Ang infertility o ang hindi pagkakaroon ng anak ay umaapekto sa 15% ng mga magkarelasyon sa buong mundo. Ang porsiyentong ito ay aabot sa bilang na 48.5 million couples, kung saan kalahati sa mga kaso na ito ay sanhi ng pagkabaog ng lalaki o male infertility.
Narito ang ilan sa mga sanhi nito:
1. Low sperm production. Isa sa dahilan ay ang pagkakaroon ng low sperm count sa kanyang semen na nagpapababa ng tiyansang makabuntis. Sinasabing mababa ang sperm count ng lalaki kung ito ay bababa sa 15 million sperm kada isang milliliter ng semen na lumalabas sa kanya.
Mga dahilan:
Pre-existing genetic condition
Bisyo tulad ng pag-inom ng alak, sigarilyo at droga
Malalang mumps infection matapos ang puberty
Hernia repairs
Hormone disorder
Exposure sa nakakalasong kemikal
Exposure sa radiation
Blockage dahil sa infection
Pagsusuot ng masikip na underwear
Injury sa groin area
2. Abnormal sperm production o function. Upang makabuntis, dapat may normal na sperm production o function ito. Dahil kung hindi, ang sperm ay hindi makararating sa kanyang dapat puntahan upang tagpuin ang egg cell para masimulan ang fertilization process. Ang sperm ay masasabing abnormal sa dalawang dahilan, una ay dahil maiksi ang lifespan nito at pangalawa, dahil mahina ang mobility o movement nito.
Mga dahilan:
Pamamaga ng bayag o testicles
Underdeveloped na testicles
Genetic defects
Health problems tulad ng diabetes
Infections tulad ng chlamydia, gonorrhea, mumps o HIV
3. Problema sa ejaculation. Ang mga sperm ay nabubuo sa testicles, dadaan ito sa isang tube kung saan ito ay hahalo sa semen at ilalabas ng penis sa ejaculation. Ngunit kung makararanas ng problema sa ejaculation ang sperm ay hindi makalalabas nang maayos at walang pagbubuntis ang mangyayari.
Mga dahilan:
Premature ejaculation o early ejaculation
Retrograde ejaculation o ang pagbalik ng semen
Erection dysfunctions
Complications mula sa radiation therapy o surgery
4. Problemang medikal. Ang sanhi ng pagkabaog ng lalaki ay maaaring dahil rin sa iba pang health issues o medical treatments na pinagdaan niya tulad ng mga sumusunod:
Spinal cord injuries
Anti-sperm antibodies
Tumor
Hormonal imbalance
Chromosome defects o inherited disorders tulad ng Klinefelter’s syndrome
Celiac disease
Testosterone replacement therapy
Cancer medications (chemotherapy)
5. Lifestyle issues. Maliban sa pag-inom ng alak, paninigarilyo at paggamit ng ilegal na droga, ang emotional stress, depression at obesity ay contributing factors din sa pagpo-produce ng healthy sperm.
Samantala, para malaman kung baog ang lalaki ay dadaan siya sa mga test na ito upang makumpirma ang kanyang sitwasyon:
Semen analysis para malaman ang quality at number ng sperm
Blood test para ma-check kung ang lalaki ay may infection o hormonal problems
Pagkuha ng fluid sa penis para macheck kung may infection ito
Physical examination sa penis, scrotum at prostate
Comentarios