ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 15, 2021
Kung marami ang natutuwa na muling nakatagpo ng bagong pag-ibig si Kris Aquino sa katauhan ng dating congressman ng Samar at ex-DILG secretary na si Mel Senen Sarmiento, may mga netizens naman ang hindi kumbinsido na magtatagal at mauuwi sa seryosong relasyon ang lahat.
Hindi raw kasi si Mel Sarmiento ang tipo ni Kris kung pagbabasehan ang mga lalaking una niyang nakarelasyon.
Masyadong mataas ang standard ni Kristeta pagdating sa mga manliligaw. Hindi uubra ang basta ordinary guy lang.
Si Mel Sarmiento ay may-edad na, although okay naman dahil mature na at malawak na ang pasensiya.
Pero, hindi nga lahat ay pabor sa bagong special someone ni Kris. In fact, ngayon pa lang ay pinagpupustahan na ang relasyong Kris-Mel.
May nagsasabing matagal na ang one year para sa bagong pag-ibig ni Kristeta. Mapalad na raw kung aabutin ng early part ng year 2022.
Depende na lang siguro kung hindi na gaanong ibubuyangyang ni Kris sa publiko ang kanyang love life ngayon. Kapag open kasi sa publiko ang kanilang relasyon, posibleng mauwi rin sa wala ang lahat.
Ganunpaman, mas gusto ng mga fans at supporters ni Kris Aquino na may inspirasyon siya ngayon. Kapag kasi in love si Kristeta ay lumalakas, sumisigla at nakakalimutan niya ang kanyang mga sakit at problema.
At mas magiging makulay ang kanyang mundo kung may love life na, may TV show pa.
Comments