top of page
Search

Iba na raw ang uso… DIREK BENEDICT: SARAH-JOHN LLOYD, BEA-JOHN LLOYD LOVE TEAM, LAOS NA!

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 13, 2023



Pareho nang senior in real life at sa role nila sa Monday First Screening movie ng NET25 Films ang newest love team ng showbiz na sina Gina Alajar at Ricky Davao a.k.a. GinRi.


Pero dahil parehong magaling na aktres at aktor at director pa at the same time, kahit mga senior na, ang galing magpakilig ng dalawa at tiyak na maraming senior citizens ang makaka-relate sa kanila kapag napanood ang kanilang love story.


Tanong nga namin kay Direk Benedict Mique na siyang nakaisip ng story at nagdirek ng pelikula ng GinRi, maitataob kaya ng love team nina Direk Gina at Direk Ricky ang Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz or Bea Alonzo-John Lloyd Cruz rom-com movies?


Birong sagot nito, "'Di ba laos na sila? Eto na 'yun, oh!" sabay natawa.


But seriously speaking daw, challenge para sa kanya na mga senior na ang magpapakilig sa Monday First Screening, pero dahil pareho ngang magaling ang dalawa, tiyak na achieved na achieved ang gustong mangyari ni Direk Benedict.


Sabi naman ni Sir Caesar Vallejo, President and CEO ng NET25, dahil 1,600 senior citizens ang manonood sa special screening ng movie na ginanap kahapon sa EVM Convention Center sa Central Avenue, QC, may sure nang 1,600 fans ang GinRi love team.



Isa pang tiyak na magpapakilig sa mga manonood ng Monday First Screening ay ang birong sabi ni Direk Gina na "torrid kissing scene" nila ni Direk Ricky.


Natawa kami sa sinabi ni Direk Ricky na 'nag-toothbrush' siya after ng kissing scene nila ni Direk Gina, but knowing him na mapagbiro, joke lang 'yun.


Also starring in the film are award-winning actors Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Che Ramos and David Shouder, kasama ang bagong tambalan nina Allen Abrenica (younger brother nina Aljur at Vin) at Reign Parani.


Dumalo rin sa movie premiere na ginanap kahapon ang mga NET25 stars sa pangunguna nina Ms. Korina Sanchez, Ali Sotto, Pat-P Daza, Eric Quizon at marami pang iba.


0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page