ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | July 9, 2023
Malaking katanungan ngayon ay kung dapat pa bang ipagpatuloy ng Department of Tourism ang paggamit sa bago nitong slogan na “Love the Philippines”.
Dahil sa issue na paggamit ng stock video ng ibang bansa sa paggawa ng marketing video ng DOT, ginawa nang katatawanan ng marami ang slogan na ito.
Trending sa social media ang mga meme at lampoons na tampok ang bagong slogan.
☻☻☻
Hindi naman lingid sa ating kaalaman na napakasensitibong market ang turismo.
Anumang negatibong media at obserbasyon ng tao ay maaaring mag-impluwensiya sa desisyon ng mga turista.
Dahil nga sa nangyari, headline na tayo sa buong mundo. Naging laughing stock na ang slogan, at masyado nang tinamaan ang campaign.
Nakakalungkot dahil sa unang tapak pa lamang, imbes na umarangkada ay umatras tayo.
☻☻☻
Pinag-aaralan pa ng inyong lingkod kung kailangan bang maghain ng resolusyon sa Senado para imbestigahan ang nangyaring kapalpakan na ito.
Ngunit sa ating palagay, kung meron pang ilalabas na TVC ang DOT, huwag na nilang isugal dahil inaabangan na ng netizens ang susunod na ‘Love’ iterations para gawan ng spoof.
Bakit hindi na lang natin ibalik sa isang tried-and-tested campaign at gumawa na lang ng tactical marketing plan para maisalba ang ating imahe.
Huwag nang ipilit. Hindi masama ang magkamali. Tanggapin na lang natin na hindi meant to be ang LOVE. Move on na tayo at ibalik na lang ang FUN in the Philippines.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments