top of page
Search
BULGAR

Huwag basta lulusong.. Ang ligtas na paglangoy sa mga ilog

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 26, 2021


Ang dami nang nasa probinsiya ngayon. Kaya naman nitong summer tiyak na ang mga nasa kabundukan ay naggagandahang ilog. At ang ilog ay walang limitasyon para sa marami na makapaligo o malanguyan pero kailangang manatiling ligtas ang bawat lalangoy dito hindi tulad ng swimming pools na ilang metro lang ang sakop nito at hindi dumadaloy ang tubig. Kaya kung tatandaan lang ang mga sumusunod na babala, at least mas mae-enjoy ng pagligo at hindi dumating sa trahedya.


1. PAGKALUNOD. Mabilis mangyari ang pagkalunod at maiiwasan ito kung may tamang mga pag-iingat na gagawin. Iwasan ang paglangoy sa mga ilog na may mabilis na daloy ng tubig dahil tiyak na matatangay ka. Maging alisto sa mas mabilis na current ng tubig sa ilalim ng ilog. Ang current na ito ang pinakamapanganib, dahil hindi mo nakikita o napapansin kapag nasa ibabaw ng tubig ng ilog. Huli mo nang malalaman kapag nariyang lumalangoy ka na. Minsan may mga senyales o babala para sabihin sa lahat na may nakatagong currents sa naturang ilog, hindi lamang sa mga liblib na lugar. Mahalaga rin na pansinin ang lahat ng mga kasamahan sa lahat ng oras habang nasa tubig lalo na ang mga bata.


2. TAMANG TEKNIK SA PAGLANGOY. Mahalagang malaman kung paano lumangoy nang tama para ma-enjoy ang aktibidad tulad ng paglangoy sa ilog. Dapat ay may malakas ka ring katawan habang kumakampay sa tubig at kayang lumangoy sa mas matagal na oras. Mag-aral lumangoy kung kailangan. Ang mga batang mas bata ng 10 ay dapat laging may suot na life jackets habang lumalangoy o malapit sa ilog, kahit pa ganoon sila kagaling na lumangoy.

3.ANG BUDDY-BUDDY SYSTEM. Ang hindi pagkakahiwalay na sistema ninyo ay mahalagang paraan para manatiling ligtas at kailangang responsable ka na obserbahan ang lahat ng mga kasama para magkatulungan ang bawat isa, magkaroon man ng problema. Lalo na sa mga bata.


4. MAGING ALISTO SA MGA LALANGUYANG LUGAR. Kailangang alisto kayo sa mas mapanganib o ligtas na lugar ng ilog. May mga parte ng tubig sa ilog na mapanganib at mayroong ligtas. Kung alam mong hindi ka ligtas sa lugar ay huwag nang magbakasakaling lumangoy.


5. ANG PELIGRO NG MGA MIKROBYO. Hindi gaya ng swimming pools, ang mga ilog ay hindi malinis at may dalang mga kontaminadong bacteria. Huwag iinumin ang tubig ilog at dapat sarado ang bibig habang lumalangoy. Tandaan na dapat ay magpahid pa rin ng sunscreen sa buong katawan para hindi masunog sa araw.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page