ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Dec. 20, 2024
Breaking news! P50B ang tinapyas sa 2025 badyet ng 4Ps! Yes, ganu’n kalala, parang inisnab lang ng isang iglap. Kalerki!
Papaano na ang mga mahihirap na kababayan natin? Literal na sa gitna ng nagtataasang presyo ng bilihin, tinanggalan pa sila ng lifeline! Parang breakup na walang closure mga beshie!
From P114 billion naging P64 billion na lang! Ang lufet! At ang pinakamasakit? Ano ‘yan kailangan nating pumili? Kung hanggang June lang ang ayuda para sa 4.4 milyong pamilya o kalahati lang ng beneficiaries ang matutulungan. After that? Bahala ka na sa kanila Lord? Ganu’n na lang?
Mga teh, seryoso ‘to. Hindi emeng eksena! Ang 4Ps ang tumutulong para may pambili ng gamot, pang-ulam at pambayad ng tuition ang mga mahihirap. Kapag tinanggalan mo ng pondo, parang sinabihan mo silang, “Sorry, hanggang June 2025 na lang ang ayuda. Diskarte mo na ‘yan. Move on!” Ang harsh, beshie! ‘Di ko keri!
Kung meron ngang pangbonggang gastos para sa kung anu-anong palpak na projects, bakit hindi ito ilaan sa 4Ps?
Ano na mga mars at sa ading kong si PBBM? May mas priority pa ba kaysa sa pagtulong? Charotera na lang ang peg natin kung ganu’n!
Ibalik ang pondo para sa 4Ps! ‘Wag natin tanggalan ng pondo ang mga programang lehitimong tumutulong.
Kaya ito na tayo, magtulungan para mabigyan ng justice ang 4Ps at ang ating mga kababayan. Walang bitter ending, lahat dapat happy lang! Dasurv natin ‘yan! Agree?
Comments