top of page

Hustisya, ibigay dapat sa Lapu-Lapu Festival victims

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | Apr. 30, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Nakakalungkot ang sinapit ng mga kababayan nating biktima ng trahedya sa Canada.

Shocked ang lahat.

Dapat ay bigyan ng mental health support ang mga biktima ng pananagasa sa Lapu-Lapu Festival.


----$$$--


TAMA lang na hikayatin ng Ang Probinsiyano Partylist ang Philippine Consulate sa Vancouver na ipaabot kaagad ang mental health support sa lahat ng biktima.Dapat ding bigyan ng psychological support maging ang pamilya ng mga biktima sa trahedya sa Vancouver, Canada na ikinamatay ng 11 katao at marami ang nasugatan.


-----$$$--


NAKIDALAMHATI mismo si Probinsiyano Partylist Representative Alfred Delos Santos sa mga biktima at pamilya ng mga ito.

Hiniling ni Delos Santos sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Consulate General na magbigay kaagad ng mental health support.


----$$$---


“OUR thoughts and prayers are with the victims and families at this heartbreaking moment. We are one with the one million strong Filipino community in Canada and all over the world in lifting each other in prayers, kindness and action during this difficult time,” pakikiramay ni Delos Santos.

Nilinaw na hindi naiwaksi ng insidente ang pakahulugan ng selebrasyon ng kabayanihan ni Lapu-Lapu, isang lider sa Kabisayaan, bilang araw ng pagpupunyagi at pagkakaisa ng Filipino-Canadian community.


-----$$$---


“THE strength, resilience of Lapu-Lapu is very much present among us Filipinos, we pray for our kababayans in Canada to continue holding this in their hearts and minds,” ayon kay Delos Santos.

“We know the DFA and our Consulate in Vancouver are working hard to extend appropriate assistance to our kababayans there, we appeal for the inclusion of mental health support on top of finding justice for the victims,” aniya pa.

 

----$$$---


MAGING si PBBM ay nanlumo sa sinapit ng ating mga kababayan sa Canada.

Magmamarka ito sa kamalayan ng mga biktima, kanilang pamilya at sa sambayanang Pilipino.


----$$$--


IPINAKIKITA rin dito na ang buhay ang mga Pilipinong nasa ibang bansa ay walang katiyakan.


Nagbubuwis ng buhay ang mga overseas Pinoy mabigyan lang ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya.


Sa kabila nito, patuloy ang kanilang pagmamahal sa kanilang bayan at maging sa mga bayani ng ating lahi — partikular kay Lapu-Lapu -- ang simbolo ng pagtatanggol sa soberanya ng ating Inang Bayan.



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page