top of page
Search
  • BULGAR

Hurt na hurt, Kathryn?! “AT SA NGAYON P***** INA, MAY KAPILING KA NANG IBA" — DANIEL

ni Nitz Miralles @Bida | April 30, 2024



Photo
File photo: Daniel Padilla / FB

Kakaiba ang pa-hashtag ng mga fans ni Daniel Padilla sa kanyang 29th birthday which is #DJPNauticalNight na ginawa sa J Castle Amusement Park sa Tanauan, Batangas. 


Masaya ang party ng aktor na dinaluhan ng kanyang pamilya, mga bossing ng ABS-CBN at mga kaibigang directors at writers ng Star Cinema at pati bosses ng Star Music. Present naman si Director Cathy Garcia-Sampana at iba pang directors na nakatrabaho ni Daniel.


Sa mga videos at photos na lumabas, present sa birthday ni Daniel ang lola niyang si Mommy Eva Cariño, ang amang si Rommel Padilla, at ang uncle niyang si Sen. Robin Padilla. 


Of course, present ang mom niyang si Karla Estrada na nagbiro na busy siya sa pagpapainom sa mga bisita.


May magandang birthday message si Rommel kay Daniel na ang sabi, “I’m very thankful sa Poong Maykapal. Walang guhit ang pasasalamat sa pagiging mabuti niyang anak, mabuting kaibigan. Ang buhay ngayon, nararamdaman natin ang ups and downs, but at the end of the day, ang makakasama mo talaga is pamilya mo and tunay na kaibigan.


"Nagpapasalamat ako para sa mga taong tumindig para kay DJ, noong panahon na siya’y nasa baba. Doon naman sa hindi kami binigyan ng katahimikan, sana matapos na lahat ‘yun.”


May fireworks display at may banda sa party at sa isang song number ni Daniel, may lines na “At sa ngayon P***** ina, may kapiling ka nang iba.” 


Sabi, kasama ito sa lyrics ng song, pero pansin lang ang angst ni Daniel nang kantahin ang lines na ito.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page