top of page
Search
BULGAR

Humingi ng tips kay Vilma… JESSY, UMAMING SABLAY NANG UMARTE

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 21, 2024



Photo: Jessy at Vilma - FB


Inamin ni Jessy Mendiola na humingi siya ng tips sa kanyang biyenang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa muli niyang pag-arte sa harap ng kamera.


“Pero kasi talagang, sabi ko, pang-malakasan talaga, dapat may tips kay Momski. May work s’ya, talagang magbasa ako nang paulit-ulit ng script.


“Kasi ‘pag nanganak ka, ang dami mong nalilimutan. Nag-vitamins ba ako kaninang umaga? Uulitin ko na naman sa gabi,” kuwento ni Jessy.


Si Jessy ang leading lady ni Gerald Anderson sa bagong drama series ng ABS-CBN.

Five years tumigil umarte si Jessy. Nangangalawang kadalasan ang isang artista kapag nahihinto sa pag-arte.


Sey ni Jessy, “Hay, naku! Hanggang ngayon, feeling ko, nangangalawang pa rin ako.

“Sabi ko, mas tuod pa ako sa kahoy umarte, eh. Pero natutuwa sila sa ‘kin. Kasi alam nila na kinakabahan ako. 


“And sabi nila, that’s a good sign kasi it means na hindi ka kampante. You are on your toes and you are willing to learn and to improve. And to relearn a few things. So, yes. Exciting naman siya. And, nakakatawa.”


Nakakatuwa ang sagot ni Jessy when she was asked kung masasabi niya that she’s a better actress now.


“Parang sana naman, walang  pressure na ganoon. Hahaha!” sabay-takip sa mukha niya ng hawak niyang red handbag.


Aniya pa, “Pero I will try my best para siguro kasi, iba na rin ngayon. May mga hugot. Sana, sana ma-deliver ko nang maayos ‘yun.”


Ini-reveal din ni Jessy na naimpluwensiyahan siya ng kanyang Momskie Vi na mag-comeback sa showbiz.

“Yes naman,” sambit niya. 


“A few weeks ago, we were walking around the garden, tapos we were talking about her movie. Tapos pinag-uusapan naming parehas, kasi parehas kaming ano, eh, may project ngayon.


“Sabi ko, ‘O, Momskie, kumusta ka na po du’n sa movie mo? I know how tired you are. Are you having fun?’


“Tapos s’ya naman sa akin, ‘O, kumusta ka na sa soap (opera) mo? Tingin nga nu’ng look test n’yo,’ ganyan, ganyan.


“Tapos tiningnan n’ya ‘yung mga pictures. Tapos, sabi n’ya, ‘Ang bata mo tingnan dito, ha? Kailangan mo pang magpa-mature nang konti.’ Kasi ano, eh, mother role. Sabi ko, ‘Oo nga po, Momskie, eh.’ Sabi niya, ‘I think it’s the hair.’


“May mga ganoon kaming usapan. 


Tapos, sinabi ko naman sa kanya, ‘Are you having fun d’yan sa movie mo?’ ‘Uh, I’m having so much fun. Na-miss ko talaga ‘yung ganito.’


“And ‘yung entry (Metro Manila Film Festival) movie n’ya ngayon (Uninvited), sobrang iba ang role n’ya. Kaya I think, super excited s’ya and halata naman.


“Kasi ‘pag may shoot s’ya, tatawag talaga s’ya sa ‘kin. Magbi-video call sila ni Rosie. Talagang,

‘Hi! I’m here! I’m on the set,’ ganoon. So, makikita mo talaga na she’s happy with what she’s doing,” kuwento pa ni Jessy.


Nakausap namin si Jessy sa birthday celebration ng beauty guru na si Cathy Valencia na ginanap sa Manila Polo Club sa Makati City last Saturday. Isa sa mgaloyal endorsers ng Cathy Valencia Advanced Skin Clinic si Jessy Mendiola.


 

Isang Tagalog ballad na may temang Pasko ang isinulat dahil sa separation anxiety, at ang taos-pusong recording nito na inihatid ng isang boses na karapat-dapat na marinig ng publiko, ay nagresulta sa isang dapat marinig na digital single na tinatawag na Sana Kapiling Ka.


Ang taos-pusong track na inilabas noong Nobyembre 15 at ipinamahagi ng pinagpipitaganang Star Music ng ABS-CBN ay ang debut single ng gitara ng mang-aawit na NEON, isang pagtuklas na itinatanghal ng mga piling tagaloob ng musika bilang isang pop artist na dapat abangan.


Ang bagong rekord ay ginawa ng eksperto sa marketing na si May Manuel, kasama si NEON (isang musical director at record producer mismo) at ang kanyang kaibigan na marunong sa musika na si Chi Capulong ang nag-aalaga sa paghahalo at pag-master nito.


“Heto na ang panahong pagninilayan ang kahapon. Sa tuwing humuhuning mga ibon,” expressed the opening line of the song written by composer and music journalist Yugel Losorata.


Ang music columnist, book author, at recording artist ay nananatili sa lugar ng kanyang ina sa Southern California, USA noong isinulat niya ang piyesa.


Naging abala ang NEON sa paggawa at paggi-gig mula nang alisin ang mga paghihigpit sa pandemya. 


Ikinumpara ni Marivic Benedicto, pinuno ng music publishing at bagong media sa ABS-CBN Productions, ang kanyang husay sa pagkanta sa mga tulad nina Ariel Rivera, Erik Santos at Daryl Ong.


Ang Sana Kapiling Ka ay isang makabagbag-damdaming ballad na nakaangkla sa maayos na sentimental na lyrics, isang nakakayakap na tune, isang galanteng halo ng acoustic guitar, violin, at mga sweeping vocal ng NEON. 


Parehong matagal nang magkaibigan sina NEON at Yugel, kung saan ang una ay nag-aayos ng nakaraang release ng banda ng huli na kaakibat ng The Pub Forties kung saan siya ang naging chief songwriter nito na tumutugtog ng bass guitar. Ang kanilang camaraderie ay humantong sa isang kasunduan sa pakikipagtulungan kung saan ang Neon ay magre-record ng mga kanta na isinulat ni Yugel.


Inilabas ni Yugel ang sarili niyang bersiyon ng nasabing kanta sa ilalim ng orihinal nitong pamagat na Hosanna Kapiling Ka, na ipinamahagi ng NSFU na nakabase sa Los Angeles.    


Ang Sana Kapiling Ka ng NEON ay pinalalabas bilang isang Christmas ballad kung saan ang mga OFWs, mga pamilya nito, at mga magkasintahan na nakikibahagi sa mga long-distance na relasyon ay dapat mahanap na relatable.


Asahan na ang bagong boses sa bayan ay gagawa ng mga round sa pag-awit ng kantang binigyan niya ng hustisya sa pamamagitan ng mahusay na musicianship, pangangalaga sa isang kaibigan, at paniniwala sa mensahe at himig nito.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page