ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 3, 2022
Grabeee! Ang harsh-harsh naman ng ilang bashers na nagmamaasim at nakuha pang mag-comment na bagay daw kay Hipon Girl ang kanyang apelyidong Budol.
Kasi nga, bukod sa First Runner-Up si Herlene Budol sa ginanap na Bb. Pilipinas beauty pageant, humakot din siya ng pitong special awards. Tinalbugan niya ang ilang Bb. Pilipinas winners.
Parang pinalalabas pa sa komento ng ilang bashers na “nabudol" ni Herlene ang mga bumubuo ng Bb. Pilipinas beauty pageant. Eh, nakita naman ng lahat na todo-effort si Herlene at lahat ay ginawa niya para suklian ang suporta ng mga taong nagtiwala sa kanyang kakayahan.
Paano mabubudol ang mga respetadong hurado ng Bb. Pilipinas? At may kani-kanyang sponsors naman ang bawat special award. Sila ang pumipili kung sino ang karapat-dapat na manalo.
Kasalanan ba ni Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl kung siya ang unanimous choice sa mga nabanggit na special awards?
For sure, mga bitter ampalaya lang ang nagsasabing Budol Queen si Herlene dahil sa paghakot ng mga special awards sa Bb. Pilipinas beauty pageant.
Samantala, mismong ang manager ni Herlene na si Wilbert Tolentino ang nagsabing pahinga muna si Hipon Girl sa mga beauty pageants. Sa kanyang showbiz career ngayon magko- concentrate si Herlene at may isang malaking serye na nakatakda niyang gawin.
Sa laki ng naging pagbabago ng personalidad ni Hipon Girl, wala nang manlalait at mambu-bully sa kanya ngayon. Who knows, baka kunin siya ulit ni Willie Revillame na co-host sa bago nitong show sa AMBS Network.
Comentarios