ni Lolet Abania | July 6, 2022
Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na regular holiday ang Hulyo 9 bilang paggunita ng Eid’l Adha o ang Feast of Sacrifice.
Sa Proclamation No. 2, na may petsang Hulyo 5, nakasaad na ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang pinakadakilang kapistahan ng Islam.
Nakapaloob din na ang paggunita ng Eid’l Adha ay subject sa public health measures ng gobyerno.
Sa pagdiriwang ng Eid’l Adha, ang mga Muslims ay nagkakatay ng mga sheep, kambing, baka, at camel upang gunitain ang pagpayag ni Prophet Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak sa utos ni Allah.
Comments