ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 29, 2024
Ayan na nga, may kumakalat na ngayong meme nina Cristine Reyes at Sue Ramirez nang i-announce ang winner sa Best Supporting Actor sa 50th MMFF Awards Night.
Presenter ang dalawang aktres na magkasama sa The Kingdom (TK) and they were rooting for Sid Lucero to win dahil siguro kasama sa nabanggit na pelikula at gumanap pang kapatid nila.
Kaso, si Ruru Madrid ang nanalo, pangalan ni Ruru ang nabasa nila at hindi pangalan ni Sid, kaya disappointed ang dalawang aktres.
Nakakatuwa lang ang expression ni Cristine na napanganga at si Sue, napangiwi.
Bago ang announcement ng winner, narinig ang sinabi ni Cristine na, “Kailangan si Sid ‘to, ah...” na ang ibig sabihin, ang co-star nila sa TK ang manalo, kaya disappointed ang magkaibigan.
Hindi namin napanood ang full video kaya hindi namin malaman kung sina Sue, Crisine at Yul Servo rin ang nag-present ng award kay Ruru for winning Best Supporting Actor para sa movie na Green Bones (GB). Kung sila ang nag-present ng trophy, nakangiti kaya ang dalawa at binati kaya nila si Ruru?
‘Kaaliw ang mga comments ng mga netizens kina Cristine at Sue, sana raw ay naging professional ang dalawa. May nag-comment pa na ang pangit ng kanilang reaction. Ano kaya ang masasabi nina Cristine Reyes at Sue Ramirez dito?
Kaya ‘di makabalik-showbiz kahit gustung-gusto… “KAILANGAN KONG MAGPAPAYAT” — SEN. JINGGOY
ISA sa mga naitanong kay Senator Jinggoy Estrada sa post-Christmas party niya sa press ay kung kailan siya babalik sa showbiz?
Ang sagot nito, “Gusto ko sana, kaya lang, kailangan kong magpapayat.”
Sa dami ng trabaho nito sa Senado, parang walang time magpapayat ang senador.
Anyway, natutuwa si Jinggoy sa magandang resulta ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF), sa magagandang film entries at sa sipag at sigla ng tao na manood ng sine.
Sana raw, magtuluy-tuloy na ang sigla ng pelikula para maraming taga-showbiz ang nabibigyan ng trabaho.
Well, isa nga sa mga rason ni Jinggoy para balikan ang showbiz at gumawa ng pelikula ay para mabigyan ng trabaho ang mga taga-industriya, lalo na ang mga maliliit na manggagawa. Kaya lang, kailangan niyang magpapayat.
Ang mga anak naman daw niya, walang hilig sa showbiz at napilitan lang siguro noon dahil sa kanya.
Nabanggit din ni Jinggoy na ayaw niyang mag-showbiz ang mga anak, masaya na siya kung saan ang focus ng mga ito ngayon.
Gaya na lang ng anak na si Jolo Estrada, kasama siya ng mom niyang si Precy Estrada na tatakbo sa BFF Partylist o Balikatan of Filipino Families. Si Precy ang first nominee at hindi nabanggit kung sino kina Jolo at Charilu Puno ang second at third nominee.
Waging Best Supporting Actor sa 50th MMFF…
RURU: BUONG BUHAY KO, LAGI AKONG TALO
Maganda ang mensahe ni Ruru Madrid sa pagkapanalo niyang Best Supporting Actor sa 2024 MMFF para sa pelikulang Green Bones (GB).
Sabi nito, “Buong buhay ko, lagi po akong underdog. Lagi akong talo, ina-underestimate. I realized na kaya pala siya nangyayari sa ‘kin para kapag dumating ‘yung araw na ibibigay na sa ‘kin ‘yun, kapalit nu’n katulad po nito (award), hindi ko po ite-take for granted, lahat ng ‘yun. Naniniwala ako na basta ikaw, naniniwala ka sa sarili mo na kaya mo, mararating mo ‘yung pinapangarap mo.”
Malaki rin ang paniniwala at tiwala ng GMA Network kay Ruru sa kakayahan niya. In fact, ang Book 2 ng Lolong na pinagbibidahan ni Ruru ang isa sa malalaking projects ng network for 2025. Kundi kami nagkakamali, sa January 20, 2025 na ang premiere nito.
Sa New Year Countdown ng GMA, kabilang na si Ruru sa frontliner kasama sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Sanya Lopez. Christian Bautista, Bianca Umali, at Ai Ai delas Alas.
Kasama rin ang SB19 sa mga performers na gumawa ng theme song na ang pamagat ay Nyebe na ginamit sa Green Bones.
Comments