top of page
Search
BULGAR

Huling dumalo sa b-day ni Sen. Bong… AGA, MAY SINTOMAS NA NAMAN NG COVID

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 30, 2023



Mukhang nadale na naman ng COVID-19 si Aga Muhlach. Ayon kasi sa Instagram post ng talent manager/entertainment columnist na si Lolit Solis, may mga sintomas daw ngayon ng nasabing virus ang aktor.


“Talagang kahit stars, hindi nakaligtas sa COVID. Kahit kasi umiwas sila, tiyak na lalapitan sila ng tao, at hindi mo na ma-control ang mga taong lalapit at humahalik sa kanila.


“Una, si Bong Revilla na dalawang beses nang na-down dahil sa sama ng pakiramdam.


Ngayon naman, si Aga Muhlach na meron ding sign ng COVID,” sey ni ‘Nay Lolit sa kanyang Instagram post.


“Talagang mas malapit sa sakit ang mga stars dahil nga sa hindi sila makaiwas sa crowd.


Naku, talagang isang magandang nagawa nitong COVID iyong nasanay tayong gumamit ng mask,” patuloy pa niya.


Hindi na sinabi ni ‘Nay Lolit kung saan maaaring nakuha ni Aga ang virus at wala rin namang post pa ang aktor tungkol dito. Pero ang huling kita namin sa kanya ay noong grand double celebration ng 50th showbiz anniversary and 57th birthday ni Sen. Bong Revilla.


Matatandaang last year ay nagpositibo na rin sa COVID-19 si Aga at ang misis na si Charlene Gonzalez habang nasa USA.


0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page