ni Jasmin Joy Evangelista | October 29, 2021
Dagsa pa rin ang mga nais maging botante sa iba’t ibang Commission on Elections (Comelec) offices para magparehistro sa darating na halalan, na magtatapos na bukas.
Karamihan sa mga nagpaparehistro ay mga bagong botante.
Nagpaalala ang Comelec na sa unang step ng registration o verification ay dapat dala na ang mga requirements.
"We don't accept IDs na fake o matagal nang expired... I'm sorry po, pero di tinatanggp ang barangay ID at hindi rin po tinatanggap pati police clearance," ani Vic Fabella, Comelec officer.
Pinaalalahanan din niya ang mga magpapa-register na agahan ang pagpunta at huwag sa oras na malapit nang magsara dahil baka hindi umabot sa biometrics.
Ang extended voter registration period para sa Halalan 2022 ay magsasara na bukas, ika-30 ng Oktubre.
Commentaires