ni Gerard Peter - @Sports | February 26, 2021
Asahan ang mabilis na takbuhan, umaatikabong habulan, at mahihigpit na depensang galawan ang maaaring maipakita ng isa sa mga paboritong koponan na Glutagence Glow Boosters sa pagbubukas ng 2021 WNBL Philippines ngayong taon.
Dahil sa pagkakaroon ng tinaguriang “The Splash Sisters” sa katauhan nina Camille Claro at Khate Castillo mula La Salle, gayundin ang pagtapik sa first draft pick na si Dra. Fille Claudine Cainglet galing UP Maroons para makuha ang unang tatlong picks, malaki ang posibilidad na makamit ng Glow Boosters ang kauna-unahang kampeonato ng first-ever professional women’s basketball league sa bansa.
“As any other team, we also target the championship. Back up by other players that we’ve gotten who are as good as everyone in the league and with by securing the first three picks, we’re hoping na makapag-champion kami in this inaugural professional tournament,” pahayag ni Team Manager Nico Banson, kahapon sa lingguhang TOPS: Usapang Sports na live na napanood at napakinggan sa Sports on Air via Facebook page. “We don’t want to be complacent. We don’t want pressure to hit us kase kapag tumama na yung pressure mag-iiba na iyong style, we want to make sure that we reach our goals. Our first goal is to hit that, and get the championship, so even if people are saying that we are the favorites, we don’t want that to bother us on reaching that goal as a team.”
Nais ipadama ng Glow Boosters, sa pagmamando ni coach Justin Tan, ang mala-Golden State Warriors na istilo ng laro sa mga katunggali nito, kung saan gagamitin nila ang sistemang run-and-gun at ‘small ball style’ na hindi kinakailangan ng sobrang lalaking manlalaro at ang kinaugaliang post up offense at defense kundi mas aasa sa bilis at liksi ng galawan ng bola ng isang koponan. Nais nilang mapanatiling lahat ng mga lalaro sa loob ay makakapag-ambag sa sistemang ipapatakbo sa koponan.
Isang malaking pagkakataon umano na magkaroon ng mapaglalaruang liga para sa mga kababaihang basketbolista pagkatapos ng kanilang paglahok sa collegiate leagues gaya ng UAAP, NCAA, NCRAA, SCUAA, NAASCU at iba pang liga, dahil dito ay maipagpapatuloy nila ang nasimulan nilang pagkahilig at pagmamahal sa kanilang larangan.
“This is a dream come true. After college wala ng future sa pro league for women. Big chance na maipakita ang talent at dedication at commitment as well sa basketball. sana maging inspiration kami to other women and promote women sports in our country,” wika ni dating UP Maroons players Ayra Hufanda, na napili ng Glow Boosters sa bilang ika-33rd pick sa round 11 ng WNBL draft nung Pebrero 13.
Aminado si dating Centro Escolar University guard Micah Figuracion na magiging mahirap sa kanila sa simula dahil bago ang koponan, ngunit dahil na rin sa nagkakalaban na sila sa labas at alam na nila ang istilo at laro ng bawat isa, ay maaaring makapag-adjust agad sila sa sistema.
Expect din naman na magiging good ang kalalabasan ng draft, magiging mahirap sa simula, dahil bagong team na naman siya, though magkakakilala na kami sa labas, sana maging maayos ang team namin bago makapagstart and will turn good.
Comments