ni Jasmin Joy Evangelista | February 28, 2022
Sinimulan na ng Barangay workers sa Quezon City ang house-to-house COVID-19 vaccination sa mga residente nito.
Dinadala nila ang mga hindi bakunado sa barangay hall.
Ito ang bagong estratehiya ng Department of Health (DOH) upang ma-boost ang vaccination rate sa bansa.
Nitong Sabado, pansamantalang isinara ng Quezon City ang mga regular na vaccination sites upang magsagawa ng area-based inoculation kung saan nasa 100 pop-up vaccination sites ang itinayo sa iba’t ibang lugar sa mga barangay.
Nasa kabuuang 130 teams na binubuo ng mga doktor, nurse, allied healthcare workers, at barangay workers at volunteers ang bumaba sa mga purok upang magbakuna sa mga hindi pa nakatatanggap ng kanilang first dose, second dose, o booster.
Ayon sa Quezon City government ang vaccination rate sa adult population ay halos nasa 100 percent na pero mababa pa rin ang bilang ng mga nagpapa-booster.
“Nahihirapan tayong mag-encourage sa ating mga adults na magpa-booster. Siguro a third of eligible adults na puwedeng magpabakuna pa lang ang nagpapabakuan. So, that’s only 30 percent siguro," ani Mayor Joy Belmonte.
Comentários