ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 18, 2021
Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang pagsasagawa ng house-to-house COVID-19 vaccination para sa mga hindi makakapunta sa mga vaccination sites katulad ng mga senior citizens, ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.
Saad ni Duque, “‘Yung house-to-house, posible pong gagawin natin, kasama na sa pagpaplano lalo na roon sa mga very, very vulnerable and high-risk senior citizens.”
Aniya pa, “‘Yan, titingnan natin on a more focused basis, ‘yung sektor na baka mahirapan kung papupuntahin sila sa mga vaccine sites. We will bring the vaccines to them.”
Comments