top of page
Search

Hotshots patitirikin ang Dyip magpapa-gas ang Super LPG

BULGAR

ni Clyde Mariano @Sports | December 20, 2023



Puntirya ng erstwhile undefeated at unang quarterfinalist Magnolia ang pang walong panalo sa siyam na laro laban sa Terrafirma at tatangkain ng second running Phoenix ang pangalawang quarterfinal seat kontra sa 4th running na North Port sa 48th PBA Commissioner’s Cup ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.

 

Haharapin ng Hotshots ang Car Makers ng 8 pm matapos ang 4 pm na sagupaan ng LPG Fuel Masters at Batang Pier. Walang ibang nasa isipan si coach Chito Victolero kundi talunin ang Terrafirma Dyip at maiwaksi ang kahihiyang nilasap ng Magnolia sa out-of-town game sa Iloilo kung saan natalo ang Hotshots sa Rain or Shine, 110-113. “We’ll this game at all costs and erase the humiliation of our setback to RoS. We cannot afford to lose anew. We’ll have to win and return to the winner’s circle,” sabi ni Victolero.

 

Target ni Victolero ang pangalawang korona na nanalo noong 2018 sa Governors Cup na tinalo ang Alaska sa finals. Rumatsada ang Hotshots ng pitong sunod na panalo para sumampa sa quarterfinals. Subalit biglang naputol ang kanilang winning run kontra Rain or Shine, 110-113, sa provincial game sa Cagayan de Oro City.

 

Dahil ang import ang susi sa panalo, inaasahang maglalaro nang husto si Tyler Tarik Bey dalhin sa pang walong panalo ng Hotshots at kalimutan ang kabiguan na ma-sustain ang winning run sa pakikipagharap kay Belgian Hugo de Thaey. Kung pagbabasehan ang credential, nakalalamang si Bey dahil maganda ang laro ng 25 years old American na taga- Las Vegas, Nevada na naglaro sa Philadelphia 76ers sa NBA.

 

Nakahandang umalalay kay Bey sina Paul Lee, Mark Andy Barroca, Jio Jalalon, Rome de la Rosa, James Laput, at Aris Dionisio laban sa mga tropa nina Juami Tiongson, Eric Camson, Andreas Cahilig, John Paul Calvo, Aldrech Ramos, at Javier Gomez de Liano. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page