top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | September 8, 2024 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 8, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 8, 2024 (Linggo):  Malalaking suwerte ang nasa sa iyo. Iwasan mong mapunta ito sa iba at unahin mo ang iyong sarili. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Suwerte ka sa mga malalaki. Kaya dapat ang ambisyon mo ay malaki rin. Ang mga taong maliliit lang ang gusto, kabiguan ang naghihintay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-21-24-31-44. 


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit hindi ka maniwala, hubarin mo ang iyong sapin sa paa at lumakad ka sa loob ng inyong bahay. Dahil ito mismo ang pampasuwerte mo.  Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-19-22-26-38-42. 


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong katakutan ang malaking pagsubok sa iyong harapan. Sugurin at sagasaan mo ito, dahil isa lang itong pagsubok na wala namang laman. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-11-13-23-25-34-45.


CANCER (June 21-July 22) - Sukatin mo ang mga taong nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Kaya ka nasasaktan, dahil mabilis kang mahulog sa mga taong nagpapakita ng espesyal na pagtingin sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-26-35-41-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Napansin mo ba na tinatalo na ng lamig ang init? Isa itong senyales na ang kapalaran mo ay gaganda na, at ang mga gusto mong mangyari sa buhay mo ay magkakaroon na ng katuparan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-12-28-31-33-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Humihina ang tiwala mo sa iyong sarili, at hindi dapat ito magpatuloy. Masuwerteng  kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-16-20-34-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hamunin mo ngayon ang iyong sarili. Ang mga bagay na akala mo’y hindi mo kakayanin ay muling mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-22-36-39-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kusang nakakalag ang tali kapag maluwag. Makikitang mayayanig ang iyong pakikipagrelasyon dahil sa sobra mong pagiging maluwag. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-21-25-27-32-35.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pansinin mo ang langit, kapag may nakita kang sinag ng araw, ito ay senyales na aaliwalas na rin ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-20-26-33-41.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tama ang pag-iipon at pagiging praktikal na ginagawa mo. Tiisin mo ang pagiging maluho ng iyong minamahal. Sapagkat ‘yan ang tiyak na magpapayaman sa inyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-16-21-34-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi naman masama ang magtanong, ang masama ay ang magdudunung-dunungan ka. Humingi ka ng  payo at gabay sa mga taong nagtagumpay na. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-15-24-29-33-45.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Napakaraming magagandang lugar na gusto mong mapuntahan. Ang tanong ay kaya mo ba itong puntahan? Ang sagot ay oo naman, magaganap at mangyayari ‘yan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-21-28-31-38-44.


0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page