top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | September 27, 2024 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Sep. 27, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 27, 2024 (Biyernes): Makakamit mo ang mga ambisyon mo dahil ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo na ang mga hindi mo pa nagagawa. May pag-aalinlangan ka man o wala, iaalay pa rin sa iyo ng langit ang tagumpay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-20-28-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapang at lakas ng loob ang iyong kailangan ngayon. Lahat ng gusto mo kahit pa mahirap mangyari ay tiyak na mapapasakamay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-23-31-34-38.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Humugot ka ng lakas ng loob sa mga taong nagmamahal sa iyo para ‘di ka mabigo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-16-29-39-40-44.

 

CANCER (June 21-July 22) - Maaantala ang mga suwerte na paparating sa buhay mo dahil sa ang mga negatibong puwersang nangingibabaw sa isip mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-7-14-24-31-42.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka ngayon. Sa katunayan, mas lalakas ka pa kesa sa mga kaaway at karibal mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-25-27-36-45.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) -  Huwag mong gamitin ang iyong tapang sa mga bagay na wala namang kakuwenta-kuwenta. Tulad ng pakikipag-debate sa mali ng iba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-20-28-30-37.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Handa kang alalayan ng langit. Kaya ‘wag mong isipin na nag-iisa ka lang ngayon, dahil ang langit mismo ang magdadala sa iyo ng suwerte na iyong mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-13-18-23-39-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang tumulad sa mga taong mapanghusga. Alalahanin mo na ang panghuhusga ay hindi para sa tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-12-29-32-34-40-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lalapitan ka ng suwerte ngayon. Kaya naman ipanatag mo ang iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo.  Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-22-25-36-43.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) -  Papahiramin ka ng lakas ng loob ng taong gusto kang magtagumpay. Siya mismo ang magsasabi sa iyo kung paano at ano ang dapat mong gawin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-21-27-34-38-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagkukunwaring malakas ang taong malapit sa iyo, pero sa totoo lang, mahina lang naman talaga siya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-13-18-23-33-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ibigay mo ang best mo sa proyektong ginagawa mo. Sa ganitong paraan mo mabilis na matatapos ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-16-30-34-41.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page