ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 27, 2021
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 27, 2021 (Lunes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ikaw ay yayaman kung gusto mong yumaman. Hindi lahat ng gustong yumaman ay yumayaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito at iyo pa rin ang mga araw na darating. Gawin mo na ang gusto mong gawin at ang unahin mo ay ang mga hindi mo nagawa sa nakaraan dahil ikaw ay naduwag. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-20-23-29-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mawawala ang pag-aalinlangan mo sa iyong sarili. Ikaw mismo ay magugulat at ang mas ikagugulat mo ay ang katotohanan na nagtatagumpay pala kapag hindi nag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-24-29-30-31-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Mamili ka sa magagandang oportunidad na nasa iyong harapan. Ikonsidera mo ang may kaugnayan sa iyong pangarap nang sa gayun ay mas bumilis ang iyong pag-unlad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-25-31-33-39.
CANCER (June 21-July 22) - Piliin mo ang pagkilos kaysa sa pananahimik. Mas maganda pa rin ang may mga suliranin, pero may tsansang maabot ang mga pangarap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-16-20-24-31-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kikilos ang iyong kapalaran at ang mga hadlang sa plano mo ay mawawala. Ito ay kailangang mangyari nang lumakas na ang loob mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-18-22-29-30-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ilalapit ka mismo ng iyong kapalaran sa mga taong makatutulong sa iyo at sila ay makatatanggap ng utos na ikaw ay paboran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-16-21-25-30-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan may pakinabang, doon ka. Rito sa mundo, ang lahat ay kailangang maghangad. Ang sinasabing huwag maghangad ay mula lang sa mapagkunwaring mga nilalang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-35-40-41-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong kalimutan, ang mabilisang pagkita na hindi pinaghirapan, ilagay mo sa isip mo na ito ay panloloko. Huwag kang mabulag-bulagan dahil ang ganitong balita ay paulit-ulit na. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-13-15-23-33-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumakain ang nagugutom at siya ay nabubusog. Nawawala ang uhaw kapag umiinom. Kumilos ka at ang kahirapan ay iyong labanan. Lolobo ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-15-16-21-28.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Masaya ang buhay kapag halo-halo ang aktibidad. Ngunit kailangan mong magpokus sa iisang bagay lamang. At kahit sabihin pang malungkot ka, ito ay ang pagpapayaman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-19-20-29-35-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsaya ka at magsaya pa. Ngayon ang takdang panahon para sa pagsasaya. Kalimutan mo muna ang mga problema dahil may panahon para harapin ang mga ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-20-24-30-35-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Susuwertehin ka at kakapal ang laman ng iyong bulsa. Pero kung ang kasalukuyang salapi ay sasayangin sa pagsasaya, maaaring hindi mo paniwalaan, puwede kang mabaon sa utang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-16-22-26-36-37.
Comments