top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | September 26, 2024 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Sep. 26, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 26, 2024 (Huwebes): Malalaking suwerte ang para sa iyo. Regalo ito sa iyo ng langit dahil sa pagiging matatag mo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pagbibigyan ka ng iyong kapalaran na masimulan ang matagal mo nang gustung-gustong negosyo. Makakaranas ka ng ilang hadlang pero pansamantala lamang ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-22-29-35-37-40.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipagpaliban mo muna ang malalaking proyekto at unahin mo muna ang madadali para hindi ka mahirapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-16-21-23-33-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kapag nahihirapan ka, huwag kang umangal o magreklamo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-14-29-34-40-44.

 

CANCER (June 21-July 22) - Papadalhan ka ng langit ng mga taong makakatulong sa iyo, hindi dahil sa ikaw ay mahina kundi dahil para mabilis kang umasenso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-9-11-15-19-23.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Sikat ng araw ang magbibigay sa iyo ng suwerte. Hindi mahalaga kung matagal o maiksi lang, ang mahalaga ay masikatan ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-13-24-26-34-38.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mabilis na pagkilos ang susi mo para buwenasin ka. Kahit pa may dinadala kang lungkot, kumilos ka pa rin. Ito ang  mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-30-33-36-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahirap paniwalaan, pero ang simpleng pagsasayaw ang magsisilbi mong pang-akit sa mga suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-16-26-31-35-43.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gusto mo bang buwenasin? Madali lang naman ang paraan, kumain ka lang nang kumain ng mga prutas na napapanahon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-12-22-25-39-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sabay-sabay na darating sa iyo ang magagandang oportunidad. Ito ang magandang balita sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-17-29-33-39-41.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong kaligtaan na magpasalamat sa mga taong tumutulong sa iyo. Sapat na ang munting ngiti nila para magtuluy-tuloy ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-24-27-36-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan marami ang nagsasaya o namamasyal, doon ka pumunta. Dahil du’n mo makukuha ang saya na magsisilbi mo ring pampasuwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-25-28-31-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) -Puntahan mo ang kaibigan mong matagal mo nang hindi nakakausap. Magugulat ka, dahil muling iikot ang gulong ng iyong kapalaran, kung saan muli kang makakaranas ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay–yellow. Tips sa lotto-4-18-23-26-39-44.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page