ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 26, 2021
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 26, 2021 (Linggo): Tagapagbigay ka ng suwerte sa iyong mga nakakadikit at nakakasalamuha. Ito ay dahil suwerte ka. Mas magandang sa sarili mo gamitin ang iyong mga suwerte.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Susuwertehin ka sa malalaking ambisyon kaya huwag mo nang tutukan ang maliliit na pangarap. Baka magulat ka pa dahil mabibigo ka sa maliliit na pangarap, pero sa malalaking ambisyon, ikaw ay yayaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-20-24-33-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mahirap at nakatutuwa pa ang paraan kung paano ka susuwertehin sa mga araw na ito dahil ang sabi ng iyong kapalaran, linisin at ayusin mo ang iyong bahay. Dahil sa paglilinis at pag-aayos na ito, bigla kang susuwertehin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-28-37-41-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Gawin mo ang subok nang sikreto kung paano maaakit ang mga suwerte. Ito ay para sa iyo sa araw na ito, na nagsasabing kumilos ka nang masaya at tiyak na bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-24-23-32-39-40.
CANCER (June 21-July 22) - Lumapit ka sa lugar na dati nang may tubig at manatili ka roon nang may katagalan. Mahirap paniwalaan, pero ito ang sikreto nang magdagsaan sa buhay mo ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-27-30-38-41-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magpasalamat ka kapag pinagpapawisan ka. Hindi na mahalaga kung ano ang dahilan, ang importante ay iyong malaman na ito mismo ang nagsasabing ang mga suwerte ay dadapo na naman sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-18-21-24-39-40-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isip ang magtuturo kung saan matatagpuan ang mga suwerte mo. Hindi ka bibiguin ng matalas mong kaisipan dahil noon pa man, ito na ang sandata ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-14-25-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang damit na alam mong lantad ang ganda at katawan mo. Huwag mong kaliligtaan na may isang batas ng katalagahan na nagsasabing, ang maganda ay lalapitan ng suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-20-24-39-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manahimik ka, ganu’n lang ka-simple. Sa pananahimik, ang tao ay kusang nag-iisip nang malalim at nadidiskubre niya ang sikreto kung paano siya lalo pang susuwertehin at aasenso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-21-26-38-40-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakatutuwa ang kapalaran mo dahil ang sabi nila, kapag pinakitaan mo ng maganda at napasaya mo ang mga nasa ibaba, sobrang mabilis na parang kidlat at lintik, ikaw ay susuwertehin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-14-18-26-34-36-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo maikakaila na ikaw ay may itinatago at iniingatang lumang gamit. Ilabas mo ito at linisin, pagkatapos ay idispley mo. Tiyak na tiyak na ang magagandang kapalaran ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-17-20-22-25-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hangin ang buhay mo kaya hangin din ang iyong suwerte. Sa ngayon, kailangang mahalikan ka sa iyong mga pisngi ng sariwang hangin nang sa gayun, ikaw ay buwenasin nang todo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-12-17-26-34-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pahalagahan mo ang nasa malayo kahit pa hindi ka maintindihan ng mga nasa malapit. Gawin mo dahil ayon sa kapalaran mo, ito ang sikreto para ikaw ay suwertehin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-15-23-28-35.
Comments