top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | September 25, 2024 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Sep. 25, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 25, 2024 (Miyerkules): Taglay mo ang mayamang imahinasyon. Ito ang susi para yumaman ka. Kaya naman, ingatan mo ang iyong imahinasyon sa mga negatibong paraan.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Harapin mo ang lungkot, at ‘wag mo itong takasan. Sa paglaban mo sa kalungkutan, magkakaroon ka ng tiwala sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-20-23-34-38-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong intindihin ang mga taong palaangal. Wala namang  magagawa ang mga ito. Ipagpatuloy mo lang ang pagsunod sa mga patakarang inilatag ng mga otoridad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-21-27-31-39-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong hayaang mamatay ang ningas ng pag-asa na nakikita sa iyo ng mga taong nasa paligid mo. Bagkus, maging huwaran ka sa mga mahihina at walang lakas na lumaban sa hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-24-28-30-42.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang nasa tabi mo, iyon ang asikasuhin mo. Ang nasa malayo, pakitaan mo ng simpatya dahil sa ganitong paraan mo lamang maipaparamdam sa kanila ang iyong pagmamahal. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-21-28-33-38-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang gaanong makisakay sa iba. Mas maganda kung mag-isa ka lang na nag-iisip. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-22-27-31-45.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pumanig ka sa mga taong nasa katwiran, kahit pa sabihing nagkamali rin sila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-15-24-34-38-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang mga kaganapan sa buhay mo, pero malilito ka rin dahil maraming tao ang gusto kang maging bahagi ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-21-27-31-37-39.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tatalas ang iyong mata sa mga taong puwedeng magbigay sa iyo ng malaking halaga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-15-25-34-38-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) -  Isinilang ka para mamuno. Kaya pamunuan mo ang pagtulong sa mga taong nangangailangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-14-23-34-39-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tama ang sinasabi ng iba na mas magiging mahirap ang mga susunod na araw. Magkagayunman, mas lalakas at titibay ka pa rin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-13-21-26-35-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Aakalain ng iba na hindi mo kayang manatili sa loob ng bahay. Ngayon mo patunayan na kaya mong labanan ang anumang sitwasyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-17-21-27-32-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na maraming suwerte at biyaya ang darating sa iyo. Pero mangyayari lang ito, kung mag-iisip ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-29-36-38-45.



0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page