ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Sep. 24, 2024
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 24, 2024 (Martes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ikaw ay magkakaroon ng magandang buhay kahit pa na magkamali ka sa iyong pagdedesisyon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikilos ang iyong kapalaran upang mas gumanda ang iyong buhay. Ipaubaya mo na lamang sa nasa itaas ang lahat ng gagawin mong pagpapasya. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-10-20-23-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pilitin ang mga taong ‘di ka gusto. Dahil ang mga taong nawawala sa buhay mo mismo ang daan upang mas lalong gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-29-30-32-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Paparami nang paparami ang mga suwerte mo, magkagayunman may malaking suwerte pa rin ang makakasingit na labis-labis mong ikakagalak. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-18-20-27-35-38.
CANCER (June 21-July 22) - Lalakas ang iyong pakiramdam. Ang mga taong nag-iisip sa iyo ng kasamaan ay mabibigo at masasaktan lang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-21-28-33-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Init ang kailangan kapag malamig. Lumalamig na ang panahon, kaya naman dagdagan mo ang ningas ng iyong sigasig nang sa gayun ay makatanggap ka ng magagandang bagay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-10-14-24-36-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umaapaw ang baso kapag patuloy na nadaragdagan ng tubig. Aapaw ang kaligayahan mo ngayon dahil patuloy ang dating ng mga suwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-12-21-23-43-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huhusgahan ng langit ang humuhusga sa iyo. Malulugi ang kanilang kabuhayan at pagkatapos nu’n, sabay-sabay silang magsisisi. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-18-22-25-30-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang tama, iyon ang gawin mo. Ang mali ay mali talaga. Huwag mo nang babaguhin ang pasya mo dahil baka mapahamak ka pa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-16-26-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan luluwag ang kalooban mo, iyon ang gawin mo. Huwag mong kalimutan na bukod sa magagandang tanawin na nangyayari sa iyong pamamasyal, tunay ngang ang mga tapat na kaibigan ay nakapagpapaluwag din ng damdamin at isipan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-18-25-27-35-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ang lahat ay may katapat na halaga. Makakatanggap ka ngayon ng malaking halaga dahil sa pagiging mabait mo sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-20-33-39-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sundin mo lang ang iyong nararamdaman para lumigaya ka. Kapag ‘di ka na masaya, ito rin ay iyong mararamdaman. Muli, sundin mo ang iyong nararamdaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-18-23-27-34-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumapit ka sa pangarap, dahil dadalhin ka nito kung saan ay mayayakap mo ang pinakaaasam-asam mong pangarap. Huwag kang bibitaw, kahit pa nakakaranas ka ng pangit na kaganapan. Ang negatibong pangyayari ay agad na lilipas upang palitan ng suwerte at magandang kapalaran sa hinaharap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-21-30-35-41-45.
Comments