top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | September 23, 2024 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Sep. 23, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 23, 2024 (Lunes): Mabilis na pagkilos ang magdadala sa iyo sa tagumpay. Kaya ‘wag na ‘wag kang mag-aalinlangan sa iyong kakayahan.

  

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit saan ka magpunta, nakasunod sa iyo ang mga suwerte. Kaya ang mga negatibong pananaw ay ibasura mo na agad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-24-33-40-44.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muli, kapag dumikit ka sa mga taong masasaya, ang mga suwerte mo ay mabilis ding magdaratingan. Pero, mas maganda kung lalayo ka muna sa mga taong iyakin at paladaing. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-27-30-35-38.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Mananatiling nakaalalay sa iyo ang langit. Wala kang dapat ipag-alala, kahit pa napakaimposible ng iyong mga kagustuhan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-8-15-26-31-39-45.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kumilos ka na parang nakuha muna ang mga kagustuhan mo. Ito ang sikreto para hindi ka mabigo. Kapag ang mga kilos mo ay positibo, positibo rin ang magiging resulta nito sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-12-18-22-36-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Magdahan-dahan ka. Sa pagiging marahan, nakikita at naagapan ang mga hindi magagandang pangyayari. Muli, magdahan-dahan ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-21-25-35-37.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makipagsapalaran ka para manalo ka. Dahil ang kadalasang nananalo ay ‘yung mga taong nakikipagsapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-3-10-19-23-33-44.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pansinin ang mga taong walang ibang ginawa kundi panghimasukan ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-12-24-29-35-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mag-ingat ka. Ginagamit ng mga mandaraya ang matatamis na salita para makapanloko ng iba. Kapag napansin mo ang kausap mo ay ganu’n, lumayo ka na agad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-16-21-25-31-34.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka dapat maiwan. Kapag binigay ng karibal mo ang kanyang sarili, ibigay mo rin ang iyong lakas. Sa ganitong paraan ka mananatiling angat. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-15-26-30-36-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mawawala ang takot mo ngayon dahil mapapasakamay mo na ang iyong pangarap. Magtataka ka sa iyong sarili, dahil buong pag-aakala mo ay mahina ka. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-17-23-27-40-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mas maganda kung maniniwala ka pa rin sa lumang kasabihan na, “Daig ng maagap ang masipag.” Ito ang tunay na dahilan kung bakit ‘di sapat ang kasipagan para umasenso sa buhay. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-7-10-14-29-34-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kakaibang sigla ang mapapasaiyo. Ika’y makikitang  kung anu-ano ang iniisip at gustong gawin. Ito ay isang palatandaan na magsisimula nang gumanda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-2-13-19-26-31-34.

0 comments

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page