top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | September 22, 2024 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Sep. 22, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 22, 2024 (Linggo): Kung ano ang iniisip mo, iyon mismo ang mangyayari sa buhay mo. Kaya dapat magaganda at positibo lang ang iyong isipin. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumayo ka sa mga taong pabigat at mas bigyan mo ng prayoridad ang mga taong nagpapasaya sa iyo. Kapag ginawa mo ito, maraming suwerte ang guguhit sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-10-18-21-24-33.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpapatangay sa sobrang kasiyahan, dahil baka mawala sa loob mo ang mahahalagang tao sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-12-28-30-35-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Nakakaakit ang magagandang tanawin sa kapaligiran, pero mas magiging kaakit-akit ka kung bagong damit ang iyong susuotin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-17-20-25-34-38.

 

CANCER (June 21-July 22) - Dadapo sa iyo ang isang suwerte na masasabi mong panghabambuhay. Ito ang regalo sa iyo ng langit, dahil sa ipinapakita mong kabaitan sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-14-16-26-42-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Dapat mong kontrolin ang labis na pagbibigay ng regalo at pagpapasaya sa iba upang ‘di ka maubos. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-13-22-24-30-39.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit na masaya ka, hindi mo maiiwasang isipin kung may kabuluhan nga ba ang Kapaskuhan o pag-aaksaya lang ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-15-20-28-36-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang kaibigan mong matampuhin, pero ‘wag mong kalilimutan ang mga taong umuunawa at nagmamahal sa iyo. Sa ganitong paraan, mas mamahalin ka ng iyong kapwa at sa huling buwan ng taong ito, maraming biyaya at pagpapala ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-23-31-40-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Totoo ba na mas mapalad ang taong nagbibigay kesa sa tumatanggap? Para malaman mo, magbigay at tumanggap ka.  Makikita mo, ikaw pala ang pinakamapalad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-25-37-42-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mangutang para lamang mapasaya mo ang iyong kapwa. Kung ano lang ang kaya mo, ‘yun lang ang ipagkaloob mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-21-26-34-39-43.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isang sinag ang dadapo sa iyo, nakakamangha dahil ito ang magdadala sa iyo sa nakakaakit na magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-17-20-26-38-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na lilitaw at mawawala ang magagandang oportunidad, pero ang masuwerteng balita hindi ka titigilan ng mga ito hangga’t hindi ka umaasenso. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-14-27-30-33-35.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kalimutan mo muna ang galit. Hindi ngayon ang  panahon para mabuhay ka sa kalungkutan. Magdiwang ka dahil ngayon ang araw upang maging masaya ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-25-31-40-44.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page