top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | September 18, 2024 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 18, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 18, 2024 (Miyerkules): Ginagarantiyahan ang araw ng iyong pagsilang na ngayon ka mas yayaman.  

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo. Gawin mong simple at direkta ang iyong pagsasalita. Huwag mong haluan ng kung anu-ano’ng pampahabang dekorasyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-25-34-41-44.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapang lang ang iyong kailangan. Kaya ang payo sa iyo ay dumikit ka sa malalakas ang loob upang matulad ka sa kanila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-16-22-38-40.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Disiplina sa sarili ang iyong kailangan ngayon. Dahil ang nakasanayan mong sugod nang sugod ay hindi makakabuti para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-29-34-38-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Gawin mo ngayon ang ayaw mong gawin. Huwag kang magtaka dahil minsan, ang kinatatamaran ay siya pa lang susi ng magandang buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-26-37-40-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka pababayaan ng langit. Babantayan ka Niya laban sa lihim mong kaaway. Ganito ka kamahal ng nasa itaas, kaya dapat lang na magpasalamat ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-19-24-28-33-43.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Humihina ang kalusugan mo ngayon. Umiwas ka muna sa maraming tao. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-18-20-27-36-43.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbabalita ang araw na ito na kapag nag-isip at kumilos ng masama ang mga kontrabida sa buhay mo, sila mismo ang makakaranas ng masasamang kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-22-26-34-36-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Suwerte ka ngayon, kaya makipagsapalaran at kumilos ka. Gawin mo ang mga hindi mo nagawa sa nakaraang mga araw. Magtiwala ka dahil langit mismo ang nagdidikta na ikaw ay masuwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-14-21-35-39-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ingatan mo ang posisyon na hawak mo. Gawin mo lang ang nararapat upang makinabang ang lahat. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-11-24-28-35-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bigyang luwag mo ang iyong sarili. Maglaan ka ng sapat na oras para sa paglilibang at pagsasaya. Hindi puwede na ang tao ay palaging nakatutok sa trabaho. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-12-15-27-30-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kailangan mo ang mga kaibigan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-3-9-16-20-24-36.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Alamin mo kung ano talaga ang kaya mo at huwag kang lalabis sa iyong kakayahan. Maging tapat ka sa iyong sarili nang sa gayun ay maging maligaya ang buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-14-23-28-37-44.

0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page