top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | September 17, 2024 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 17, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 17, 2024 (Martes): Malalaking suwerte ang nakalaan sa iyo. Pinatatag ka ng iyong kapalaran nang sa gayun, hindi masayang ang masuwerte mong araw.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Inihahanda ka ngayon ng iyong kapalaran tulad ng isang sundalo na dumaraan muna sa mabibigat na hamon. Anuman ang iyong nararanasan, dapat mo itong tanggapin nang maluwag sa loob. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-20-29-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang kumuha ng sobra. Kung ano ang kailangan mo, ‘yun lang ang iyong kunin. Sa ganitong paraan, hahangaan ka ng mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-17-26-34-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Nagiging dalawa ang isa at ang dalawa ay dumarami. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-20-25-31-32-35-42.


CANCER (June 21-July 22) - Dumarating ang mga bagay na akala natin ay hindi natin kailangan, pero sa huli, ito pala ang isa sa pinakamahalaga. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-29-31-38-40-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Bumabagsak ang puno sa tuluy-tuloy na pag-ihip ng hangin. Kapag ‘di ka tumigil abutin ang iyong pangarap, makukuha mo rin agad ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-27-35-36-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang panghinaan ng loob. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-9-15-17-28-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag pinakitaan ka ng maganda, mawawala na ang galit mo. Ito ang iyong kahinaan na muling lilitaw sa iyong pagkatao at hindi mo ito maiiwasan ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-18-21-25-36-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit may nakakuha na sa gusto mo, ituloy mo pa rin ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-13-22-24-27.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka hihiwalayan ng langit hanggang sa magtagumpay ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-20-25-27-32.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Ngayon din ang panahon na inilaan upang hilingin mo sa langit ang pinakagusto mo sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-23-28-30-33-37-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Parang kisapmata na magbabago ang buhay mo, kung saan magigising ka sa mundo na sunod ang mga layaw mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-21-29-30-38-40-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka na parang abot-kamay mo na ang iyong mga nais. Mangyayari ito at walang pagdududa na mapasasaiyo na ang iyong minimithi. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-10-14-17-30-35.


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page