ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 16, 2024
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 16, 2024 (Lunes): Malayo ang iyong mararating. Ang iyong mga pangarap ay tiyak na maisasakatuparan mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ikaw mismo ang manloloko sa sarili mo, at mahihirapan kang magpakatotoo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-18-20-24-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo kailangan magplano para sa maganda mong kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-13-18-29-32-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong akalain ito ay gabay ng kapalaran. Sa mga araw na ito, kahit pa ayaw mo, tiyak na babaguhin mo ang mga bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-16-21-26-38-45.
CANCER (June 21-July 22) - Kung sino pa ang nasa malayo, sila pa ang makakatulong sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-18-25-28-31-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bago ka tumulong sa iba, magbilang ka muna hanggang sampu. Kapag hindi mo ito sinunod, tiyak na maiisahan ka na naman nila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-26-37-40-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ay pambihirang araw mo. Gawin mo na ngayon ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-23-30-35-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo dapat pigilan ang makukulit. Hayaan mong maranasan nila ang kabiguan at kaligayahan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-25-27-33-39-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung magbago man ang iba, huwag kang gumaya. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-29-32-40-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagpapalit ng mga balahibo ang mga ibon upang harapin ang bagong umaga. Palitan mo ang kulay ng lugar ng iyong negosyo para mabilis kang umasenso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-15-19-28-31-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang matakot na magdagdag ng mga kaibigan. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-16-20-26-37-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gamitin mo ngayon ang naipon mong kaalaman. Tulad ng mga alahas, ang mga kaalamang hindi ginagamit ay walang kabuluhan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-18-22-27-33-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyo ang araw na ito. Huwag kang matakot na makipagsapalaran. Ang katakutan mo ay ang taong pilit na sinisilip ang iyong kakayahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-12-28-30-35-42.
Kommentare