top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | September 13, 2024 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 13, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 13, 2024 (Biyernes): Nakakagulat ang mga suwerte mo ngayon. Maski ang mga taong nasa paligid mo ay mamamangha rin sa mga magagandang kapalaran na biglang darating sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mo ang anumang pakikipagtalo. Minsan  hindi na mahalaga kung nauunawaan ba ng ilan ang gusto mong mangyari. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-15-19-25-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagsisimula ang lahat sa unang paghakbang. Kaya para masimulan mo ang iyong pag-unlad, gawin mo muna ang mga paunang hakbang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-18-23-28-39-44. 


GEMINI (May 21-June 20) - Kunin mo ang gusto mo, at huwag mong kunin ang hindi mo gusto. Kumbaga, kahit may iba pang  umakit sa mga mata mo, balewalain mo lang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-24-27-34-45.


CANCER (June 21-July 22) - Unahin mong lutasin ang iyong suliranin, dahil hindi puwedeng maunahan ka ng problema. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-8-16-21-25-32.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi tinatanggihan ng langit ang mga kahilingang mula sa puso. Pero nabibingi ang langit, kapag ang humihiling ay hindi marunong magpakumbaba. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-14-19-28-31-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Atras-abante, ito ang susi ng iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-22-25-27-36-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makibahagi ka sa mga proyektong nagbibigay  tulong sa mga kapus-palad. Magtiwala ka sa sinasabing mas mapalad ang nagbibigay kesa sa tumatanggap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-15-21-24-31.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang nasa sa iyo, paramihin mo. Ang tawag dito ay pagpapalago ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-14-20-25-39-42. 


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag ka munang makulit. Hayaan mo ang mga kaganapan, at kumuha ka ng aral sa mga ibon na kapag panatag ang hangin saka pa lamang sila lumalabas at lumilipad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-13-22-27-37-44. 


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) -Nagmamasid ang langit sa mga kilos ng bawat tao. Kapag nagpakita ka ng kaseryosohang yumaman, - makakaasa ka na gugulong ang iyong kapalaran para ka yumaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-23-30-39-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon na ang pagkakataon para matalo mo sila. Kumilos ka na para bang hirap na hirap kang  maunawaan sila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-18-31-37-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang kang mapapala sa mga taong ayaw magsimula. Ito ang ilagay mo sa iyong ulo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-24-27-34-38.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page