top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | September 12, 2024 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 12, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 12, 2024 (Huwebes): Isinilang kang taglay ang kakaibang ganda. Mananatili kang maganda sa mahabang panahon at maging ang iyong kapalaran ay magiging maganda rin.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maaakit ka sa gandang panlabas, pero wala kang dapat ipag-alala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-16-19-23-27-38.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Guguhit sa kapalaran mo ang magagandang pangyayari na tinawag na suwerte. Ibahagi mo sa mga kapus-palad ang iyong magandang kapalaran upang lalo pa itong dumami. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-15-22-25-36-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Mas magandang kumilos at mag-isip. Maraming hahanga at magnanais na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-6-13-24-34-38-40.

 

CANCER (June 21-July 22) - Hindi lang mga tao ang aalalay sa iyo para magkaroon ng katuparan ang mga ambisyon mo, dahil aalalayan ka ng langit para mapasaiyo ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-21-28-30-33.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Lumayo ka sa tukso. Pero bago mo pa ito malayuan, matutukso ka muna. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-10-15-24-31-45.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Piliin mo ngayon ang may dalisay na pagkatao upang ‘di ka magkamali. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-20-34-37-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling ibabalik sa iyo ng langit ang masusuwerte mong araw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-27-30-39-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) -Tanggapin mo ang reyalidad at huwag mo nang ipagpilitan pa ang iyong mga gusto. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-28-32-38-41.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Papaganda nang papaganda ang iyong kapalaran, pero umiwas ka sa mapanuksong mga kilos at pananalita. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-15-21-24-33-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mas maganda kung pananatilihin mo ang iyong pagiging mahiyain. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-26-29-36-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mananalo ka ngayon, hindi lang sa pakikipagsapalaran, bagkus mananalo ka rin sa larangan ng pamamahala. Kaya ang mga karibal mo ay magsisisuko sa harapan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-17-22-37-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) -Ngayon mo mare-realize na mas masarap pala ang  maging malungkot kesa na maging masaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-19-21-28-30-33.

0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page