ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 11, 2024
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 11, 2024 (Miyerkules): Hindi ka mabibigo! Mas malakas ka kaysa sa pangkaraniwan. Kaya ituon mo ang iyong lakas sa iyong mga pangarap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Marami ang mag-iisip na kapantay mo sila. Pero hindi nila batid na malabo iyon mangyari. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-19-23-30-41-43
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumapit ka sa magagandang aral na natutunan mo sa iyong mga karanasan. Iyon ang gawin mong sandalan upang hindi ka matalo ng mga pagsubok. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-29-34-42-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Maghanap ka ng ibang paraan, at agad mong isagawa ang mga plano mong ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-27-35-37-45.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang papayag na may makialam sa buhay mo, dahil mas alam mo kung ano ang mas makakabuti sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-19-25-29-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang umasa sa mga taong mahilig magpaasa para hindi na rin masaktan pa ang iyong damdamin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-18-24-27-33-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iparamdam mo ang iyong pagmamahal sa mga taong kawawa. Ang bawat isa ay kailangan ng karamay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-15-19-29-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ka sasaya, iyon ang piliin mo. Hindi na mahalaga kung mahirapan ka man o hindi, dahil ang mahalaga ngayon ay ang sumaya ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-13-26-35-40-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Laban lang nang laban! Makakayanan mo rin ang mga hamon ng kapalaran na nasa iyong harapan. Tiwala lang sa iyong sarili ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-26-34-38-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sakyan mo ang agos ng panahon upang magwagi ka. Muli, sakyan mo lang ang agos ng panahon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-20-23-29-32-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumagay sa tama, at ang mali ay iyong layuan. Ito ang gawin mong gabay sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-17-22-30-36-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makibahagi ka sa mga aktibidad na makakatulong sa iyong kapwa. Ang maliit kapag pinagsama-sama ay lumalaki rin. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-11-19-31-39-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ingatan mo ang iyong imahe para patuloy na gumanda ang pakikisama nila sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-17-22-26-38-43.
תגובות