top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | September 10, 2024 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 10, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 10, 2024 (Martes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte na darating sa buhay mo. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat matangay ng saya. Magsaya ka, pero ‘wag mong kaligtaan na marami ka pang pangarap na kailangang tutukan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-24-30-41-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumuha ka ng aral sa mga taong sinuwerte pero ‘di pinahalagahan ang mga biyayang kanilang natatanggap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-21-24-39-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Malabo mong mapigilan ang iyong sarili sa paggasta sa mga wala namang kabuluhang bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-17-20-26-34-41.


CANCER (June 21-July 22) - Mahirap paniwalaan, pero ibinabalita ng iyong kapalaran na ang bagay na bibilhin mo ang magsisilbing isa sa pinakamabisa mong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-28-30-35-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Marami ang magiging kapalit ng iyong pagtulong sa kapwa. Nakamasid sa iyo ang langit at nakahanda itong hulugan ka ng mga pagpapala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-29-31-39-41-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang pinakamagandang pagkakataon para gawin ang mga panimulang hakbang papunta sa katuparan ng iyong malaking pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-13-25-36-38-40. 


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi masama ang umayaw. Minsan, mas mabuting umatras sa laban ng buhay na alam mong ikaw ay maaagrabiyado at maaapi. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-11-15-22-26-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahalagahan mo ang iyong sarili bago mo pahalagahan ang iba. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-28-30-37-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mapapalapit sa iyo ang mga taong dapat mong pasayahin, pero lalayo ang loob sa iyo ng ilan sa mga mahal mo sa buhay, dahil akala nila mas pinapahalagahan mo ang ibang tao. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-14-20-25-39-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Marami ang hahanga sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-27-30-35-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bagama’t hindi maganda sa paningin, maisasakatuparan mo pa rin ang iyong mga ninanais. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-16-24-29-31-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli, inuutos ng iyong kapalaran na kung saan ka masaya, roon ka. Ibig sabihin, ‘wag mo nang ipagpilitan pa na pahabain ang iyong pagdurusa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-25-37-40-45.


0 comments

Hozzászólások


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page