top of page
Search

Horoscope | Pebrero 9, 2025 (Linggo)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 8, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 9, 2025 (Linggo): Malalaking tagumpay ang nag-aabang sa landas ng iyong buhay. Kaya hindi mo dapat pangarapin ang maliliit na bagay. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito. Ngayon mo na hilingin sa langit ang mga bagay na pinakagusto mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-18-20-25-33.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag napansin mong bigla kang tumatapang, panatilihin mo pa rin ang kahinahunan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-19-21-24-35-37.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo kung saan ka madadalian. Mahalaga na magtagumpay ka kahit sa maliit na mga bagay muna. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-31-36-40-46.

 

CANCER (June 21-July 22) - Mangyayari ngayon ang mga kaganapang hindi mo gusto. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-21-26-35-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit na papaganda nang papaganda ang takbo ng mga pangyayari sa buhay mo, babantayan ka pa rin ng langit, dahil mananatili pa rin sa buhay mo ang mga taong kontrabida. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-20-24-38-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magtataka ka ngayon, dahil kakaibang sigla ang mararamdaman mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-14-25-34-37-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumukupas ang lahat ng bagay. Kaya hindi ka dapat magtaka kapag nabawasan ang pagtingin mo sa ibang tao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-24-31-38-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit na wala kang lakas na gawin ang malalaking bagay na gustung-gusto mo, mapapasaiyo pa rin ito ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-17-21-27-37-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Para hindi sumakit ang ulo mo, ipatupad mo ang batas o prinsipyo na ‘una-unahan lang ‘yan’, na kung sino ang nauna, hindi dapat siya mapunta sa hulihan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-16-18-20-26.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling lalakas ang loob mo. Gamitin mo ito para mabilis kang umasenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-12-29-35-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit ikaw ay magtataka at mahihiwagaan sa biglaang pagpalit ng pasya mo. Magkagayunpaman, ipanatag mo pa rin ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-21-28-37-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mangarap ka at itodo mo ang iyong pagsisikap. Ito ang susi para sa kagaya mong may kakayahang maabot ang mga dakilang tagumpay sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-17-22-25-39-43.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page